Miss Philippines Ann Lorraine Colis crowned Miss Globe 2015

The Philippines once again proved its strong standing in the international beauty pageant after Ann Lorraine Colis was crowned the new Miss Globe 2015 in a pageant held in Canada.


Nangibabaw ang kagandahan ng Pilipinas sa ginanap na Miss Globe 2015 nang koronahan ang ating pambatong si Ann Lorraine Colis sa ginanap na international pageant nitong October 8 (October 9 sa Pilipinas), sa Rose Theatre Brampton, sa Toronto, Canada.



Tinalo ni Colis ang 54 kandidata mula sa iba’t ibang bansa.



Si Miss Globe 2014 Jacqueline Wojciechowski ng Canada ang nagpasa ng korona kay Colis.



Itinanghal na 1st runner-up si Miss Albania, 2nd runner-up si Miss Macedonia, 3rd runner-up si Miss China, at 4th runner-up si Miss France.

(L-R) Miss France (4th runner-up), Miss Macedonia (2nd runner-up), Miss Globe 2015 Ann Colis, Miss Albania (1st runner-up), at Miss China (3rd runner-up). Photo from Binibining Pilipinas Facebook account



Nakapasok naman sa Top 15 ang mga kandidata mula sa Russia, Portugal, Brazil, Poland, Montenegro, Estonia, Mexico, Korea, Lithuania, at Canada.

Sa official Facebook account naman ng Binibining Pilipinas, sinabi ritong ang pagkapanalo ni Colis ay patunay sa appreciation ng buong mundo sa tunay na ganda ng Pilipina at karangalan para sa Pilipinas ang pagkapanalo ng ating pambato sa nasabing beauty pageant.



“We would like to congratulate Ms. Ann Lorraine Colis for clutching the Miss Globe 2015 title during the finals held at Rose Theatre Brampton in Toronto, Canada. The special recognition illustrates worldwide acclaim and appreciation for true Filipina grace and beauty and her win is a proud moment for our country.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN