Junjun Binay dismissed from office by Ombudsman over alleged overpriced Makati car park

Seven days before the filing of candidacy for the 2016 elections, Ombudsman Conchita Carpio-Morales orders Junjun Binay's dismissal and perpetual disqualification for public office.


Tuluyang inatasan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na tanggalin sa puwesto si Makati City Mayor Junjun Binay.

Kasabay nito ay inutos din ng Ombudsman ang “perpetual disqualification” o pagbabawal kay Mayor Binay na kumandidato sa anumang posisyon sa gobyerno habambuhay.

Kaugnay ito ng pagkakasangkot ni Mayor Binay sa diumano’y maanomalyang pagpapatayo ng Makati car park building.

Read: Mayor Junjun Binay faces six-month suspension owing to involvement in "overpriced" Makati car park

Ayon sa ulat ng GMA News Onling ngayong Biyernes, October 9, inihayag ni Morales na “immediately executory” ang desisyon niya kaugnay ng mga kasong administratibo laban sa alkalde.

Kabilang dito ang “grave misconduct, serious dishonesty, and conduct prejudicial to the best interest of the service.”

Isinawalat din ni Morales na mayroong sapat na ebidensiyang magpapatunay ng “irregularities” sa disenyo at kontratang inaprubahan ni Binay para sa pagtayo ng diumano’y “overpriced” car park building.

Sa kabilang banda, inalmahan ng spokesman ng pamilya Binay na si Joey Salcedo ang pahayag ni Ombudsman Morales, gayong wala pang natatanggap na kopya ng resolusyon ang kampo ng alkalde.

Ani Salcedo, "Bistado na ang Ombudsman.

“Minadali nito ang order dahil sa Lunes ay magsisimula na ang filing ng CoCs [Certificate of Candidacy] para sa 2016 election.

"Ni wala pang kopya ng order na natanggap si Mayor.

“Dismissal by press release ang ginawa ng Ombudsman."

Mayroong sampung araw si Binay upang maghain ng apela laban sa pagpapaalis sa kanya sa puwesto.

Lalo pa't nakatakdang kumandidato muli si Binay bilang alkalde ng Makati sa 2016 elections.

Sa darating na Biyernes, October 16, ang petsa ng filing of candidacy ng mga kandidato.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN