Ella Cruz figures in stunt mishap; says, "Akala ko po yun na ang katapusan ko or katapusan ng career ko."

Ella Cruz on her stunt mishap: “At akala ko po yun na yung katapusan ko or katapusan ng career ko. Pero nagpapasalamat ako kay God dahil binigyan niya po ako ng pagkakataon para mabuhay pa at iniligtas niya ako.”


Naaksidente si Ella Cruz sa kalagitnaan ng isang dance rehearsal para sa It’s Showtime kamakailan.

Isa si Ella sa mga kalahok para sa grand finals ng "Clash of Celebrities" o "COC," ang talent showdown segment ng Kapamilya noontime show, na nakatakdang ganapin ngayong Sabado, October 10.

Ngunit base sa Instagram posts ni Ella kagabi, October 9, ibinahagi ng Kapamilya actress na naaksidente siya habang iniensayo niya ang isang kumplikadong stunt.

Humingi rin siya ng paumanhin sa kanyang fans dahil hindi siya makakasipot sa kanyang production number sa It’s Showtime ngayong Sabado.

“Sorry po pero hindi po ako makakasali sa Grand Finals ng Showtime COC bukas.

“Nag-rehearsal na ako nung Wednesday para sa mga gagawin kong stunts, pero may aksidente po na nangyari habang ginagawa naman yung isang stunt.

“At akala ko po yun na yung katapusan ko or katapusan ng career ko.

“Pero nagpapasalamat ako kay God dahil binigyan niya po ako ng pagkakataon para mabuhay pa at iniligtas niya ako,” pahayag ni Ella.

1/2 🙏

A photo posted by Ella Cruz (@itsellacruz) onOct 9, 2015 at 5:06am PDT

Sa isang larawang ibinahagi ng ina ni Ella na si Janet Cruz, makikitang isa sa stunt na dapat sana’y gagawin ng aktres para sa It's Showtime "COC" ay ang paghagis sa kanya sa ere ng isang grupo ng professional dancers.

Hindi malinaw kung paano naaksidente si Ella at kung hindi inaasahang hindi siya nasalo ng mga kasamahan.

Ngunit sa pagpapatuloy ng opisyal na pahayag ni Ella, nilinaw ng 19-year-old actress na maayos ang kanyang kalagayan at kailangan lamang magpahinga sa mga susunod na araw.

Lahad pa ni Ella: “Good thing walang nabale or what. I just have to take medicines.

“Pero kahit gusto ko magrand finals hindi pa rin aabot dahil hindi rin ako makagalaw ng maayos at kailangan ko daw magpahinga ng 3 days sabi ng doctor.

“Hopefully after three days, okay na ako. I hope you all understand.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And thank you sa lahat ng pagmamahal po. God bless you all.

“Salamat sa lahat ng nag-aabang sa akin bukas. Ako rin inaabangan ko yun. Hehe.

“Pero some things are not meant to happen. Ganun talaga.”

2/2 🙏❤

A photo posted by Ella Cruz (@itsellacruz) onOct 9, 2015 at 5:07am PDT


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN