Jessy Mendiola denies rumored pregnancy; mom Didith Garvida lashes back at bashers

Itinanggi ni Jessy Mendiola ang mga kumakalat na tsismis na siya ay nagdadalantao. Dinepensahan naman siya ng kanyang inang si Didith Garvida sa mga followers nitong nagtatanong kung buntis nga ba ang anak. Sabi pa nito, “Whats new with all of you? Get a life. Alam ko kung kanino kampo ‘yan! Ingat lang baka ikasira niyo na ‘yan ng tuluyan... ‘pag ako mag pakalat gusto ko yung totoo… mga hijas and hijos. Kawawa yan sa akin!! Sarap niyo l


May mga kumakalat na isyung buntis daw ngayon ang 22-year-old Kapamilya star na si Jessy Mendiola.

Pero, kaagad itong pinabulaanan ng aktres.

Sa event ng HOOQ nitong nakaraang Huwebes, October 8—kung saan inilunsad siya bilang endorser—sinabi ni Jessy na kapag medyo nagkakalaman ay kaagad na raw pinaghihinalaang buntis.

Sabi pa niya, "Hindi ko nga alam na may balita preggy ako ngayon. Bakit kaya? Siguro kasi mas malaman ako ngayon.

“Iba na pala ngayon kasi mas nauuna pang malaman ng iba na buntis ka kesa sa sarili mo."



MOM DIDITH TO THE RESCUE. Sa Instagram post ni Jessy kahapon October 9, may mga nagtanong na followers nito tungkol sa isyung pagdadalantao diumano nito.

Narito ang ilan sa kanila:

@yang.froi: “Buntis?”

@anjgel18: “Hi jessy may kumakalat na tsimis na buntis ka daw . Sana maging ok kana idol pa naman kita 🙏”

@itsmemavhenIs: “it true po na your pregnant????just asking...i hope your in good condition right now...”

Kaagad namang sinagot ng ina ng aktres na si Didith Garvida ang mga tanong ng mga followers ng anak.

Buwelta pa niya, “No, it’s not true… ang hilig niyo manira… ‘di na nga nag sasalita sa mga nangyayari na di naman niya kagagawan... ngayon naman gusto nyo sisiraan ng kung anu anu taking advantage lang?

“Whats new with all of you? Get a life. Alam ko kung kanino kampo ‘yan! Ingat lang baka ikasira niyo na ‘yan ng tuluyan... ‘pag ako mag pakalat gusto ko yung totoo… mga hijas and hijos. Kawawa yan sa akin!! Sarap niyo lang patulan.”

Marahil ang tinutukoy ni Didith na hindi na nga nagsasalita ang anak ay ang insidente sa eroplano patungong London nitong nakaraang September 5 kung saan nasangkot ang anak sa diumano’y pambabastos ni Enrique Gil.

Bukod sa dalawa, kasama pa nila ang ibang ABS-CBN stars na sina Luis Manzano, Liza Soberano, Paulo Avelino, Jake Cuenca, Nadine Lustre, at James Reid na nakatakdang mag-perform noon sa ASAP Live In London.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: PEP EXCLUSIVE. Enrique Gil allegedly involved in drunken incident on London flight with Jessy Mendiola and Liza Soberano

Dagdag pa ni Didith, “Ako nga pala Nanay nya! O cg na tama na yan alam nyo na ang totoo… goodness.”

Makalipas ang ilang minuto, si Jessy naman ang nagkomento.

Sabi niya, “@didithgarvida mama. Kalma. 😘”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN