Jennylyn Mercado open to romantic possibilities with Sam Milby: “Aba’y bakit hindi, ano?”

Jennylyn Mercado explains how she and The PreNup co-star Sam Milby clicked instantly: “Pictorial pa lang, screen test pa lang namin, magkasundo na kami agad. Naglolokohan kami, nag-aasaran kami, kulitan, unang pagkikita pa lang namin.”


Kung darating siya sa punto na mag-aasawa na siya at kakailanganin ang isang prenuptial agreement, papayag ba si Jennylyn Mercado?

Sagot niya, “Depende naman yun, e.

“Siguro sa akin, kung gusto niya ng prenup, ibibigay ko yung prenup.

“Kasi, di ba, pag mag-asawa kayo, kung ano yung sa iyo, sa kanya. Yung sa kanya, sa iyo rin.

“Pero siyempre, yung mga pinaghirapan mo, yung mga bagay na sa iyo talaga, gusto mo rin namang proteksyunan, di ba?

“So okey lang naman siguro. Ako walang problema.

“Kung gusto niya, okey lang din ako. Kung ayaw niya okey lang din.”

Maiinsulto ba si Jennylyn kung hihingi ng prenup ang mapapangasawa niya?

“Hindi naman. Ako okey lang ako. Walang problema,” saad pa niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn sa presscon ng The PreNup, na ginanap sa Valencia Events Place, noong September 29.

Ang The PreNup ay pagtatambalan nina Jennylyn at Sam Milby at ipapalabas sa mga sinehan sa October 14.

INSTANT RAPPORT WITH SAM. Unang pagtatambal ito nina Jennylyn at Sam pero naging close agad sila.

Kuwento ni Jennylyn, “Pictorial pa lang, screen test pa lang namin, magkasundo na kami agad.

“Naglolokohan kami, nag-aasaran kami, kulitan, unang pagkikita pa lang namin.

“Si Sam, gentleman. Very professional po, never na-late.

“Sa buong shoot po namin, never siyang na-late. Actually, thirty minutes earlier, nandun na 'yan sa set. Nag-aantay na.

“Tapos, walang reklamo, walang arte. Tapos, magaling, magaling—very professional.”

OPEN TO ROMANTIC POSSIBILITIES WITH SAM. May chance ba na magka-develop-an sila ni Sam?

“Totoo po yung sinabi ni Sam, na hindi naman porke’t may project e kailangan mai-develop ninyo yung sarili ninyo sa isa't isa, di ba?

“Siyempre mga artista kami pero bilang mga tao, totoong-tao naman kami.

“Alam naman namin kung totoong ma-in love ba talaga, hindi lang dahil sa pelikula o totoong nade-develop kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi lang dahil lagi kaming magkasama, di ba? Iyon.”

Dagdag pa ni Jennylyn, “Si Sam naman, napakabait, gentleman 'tsaka wala akong masasabi, di ba?

“Kumbaga puwede.”

Nag-aalangang bawi ni Jen, “Pero teka. Hindi naman. Paano ko ba ie-explain?

“Puwede, oo, puwede,” ang natatawang sagot ni Jennylyn sa tanong kung may tsansa na ma-develop siya kay Sam.

INTIMATE SCENE. Nagulat daw si Jennylyn sa unang beses na nakita niya na hubad si Sam. Ito ay sa isang eksena nila sa The PreNup.

“Nag-workout, e. Nag-ensayo.

“Kaya pala nagpu-push up siya dun sa gilid bago ang eksena,” pambubuking pa ni Jennylyn kay Sam.

Kinabahan daw nang husto si Jennylyn nang kunan ang intimate scene nila ni Sam.

Pag-amin niya, “Hanggang sa nakauwi ako, kinakabahan pa rin ako. Na-stress kaya ako, na sobra yung kaba.”

Kung sakaling ligawan siya ni Sam?

“Aba’y bakit hindi, ano? Okey lang.”

SURPASSING ENGLISH ONLY'S SUCCESS. Pumatok sa takilya ang English Only Please kunsaan si Jennylyn ang bidang babaeng si Tere.

May pressure ba kay Jennylyn na higitan ang tagumpay ng English Only Please?

Pag-amin niya, “Meron po, opo.

“Siyempre po, kasi hindi mo alam kung paano mapapantayan o hihigitan. Pero iyon po, may pressure.

CHARACTER DIFFERENCES. Gaano kakaiba si Wendy, karakter ni Jennylyn sa The PreNup, kay Tere?

Paliwanag niya, “It’s totally different po, kasi si Tere medyo ano pa, e.

“Si Tere kasi, alam mong makulit lang siya.

“Si Wendy, todo na. To the highest level yung pagkabakla niya. Kulang na lang maging bakla na nga siya, yung ganun.”

Kanino mas malapit ang pagkatao ni Jennylyn, kay Tere o kay Wendy?

“Hati. May part ako na Tere, meron ding part na Wendy.”

NO JEALOUSY BETWEEN DENNIS AND MIKAEL. Si Jennylyn ang female lead ng My Faithful Husband at kamakailan ay naging isyu ang diumano’y naging totoo ang pagsuntok ni Dennis Trillo kay Mikael Daez sa isang eksena nila sa naturang GMA drama series. Ang pinag-ugatan daw nito ay dahil nagselos daw kasi si Dennis kay Mikael.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabilis na tanggi ni Jennylyn, “Huy, hindi! Hindi.

“Hindi. Ang bilis kasi nung counting nila, so parang...

“Di ba, pag susuntok ka, hindi mo alam kung papaano, lalo na kung mabilis. Hindi mo alam kung tatama ba o hindi.”

So walang selosan na nagyari?

“Wala, wala, wala,” giit niya.

Napapabalita kasi na may relasyon muli sina Jennylyn at Dennis, pero parehong walang inaamin ang dalawa. Kasabay nito ay consistent si Jennylyn sa pagsasabing single siya.

NO PAIN, NO GAIN. Kahit daw sa mga eksena nina Jennylyn at Snooky Serna sa My Faithful Husband, may mga pagkakataon na nagkakatamaan sila sa mga eksenang nag-aaway sila.

“Okey lang po, kasi part na rin yun ng trabaho namin, e.

“Ganun talaga. Okey lang, kasi mas mukhang totoo mas maganda!” saad pa niya.

Nagpapasalamat daw si Jennylyn sa magandang ratings ng My Faithful Husband.

Judge din si Jennylyn sa season 6 ng StarStruck.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN