(UPDATED) Mayor Rodrigo Duterte to run as president in 2016 elections, says adviser; but mayor's camp says no official statement from him yet

Mayor Rodrigo Duterte: "If I appear in COMELEC, that means I'm running for president."


Kakandidato raw bilang presidente ng Pilipinas si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa 2016 elections.

Ito ay sa kabila ng naunang pahayag ng alkalde na plano niyang magretiro sa pulitika sa susunod na taon.

Ayon sa ulat ng GMA News Online ngayong Sabado, October 10, sumagot ng “yes” ang political adviser ni Mayor Rodrigo na si Lito Banayo nang tanungin kung tatakbo bilang presidente ang alkalde.

Ngunit sa isang hiwalay na panayam noong Biyernes, October 9, inihayag ni Mayor Duterte na sa October 15 siya pormal na mag-aanunsiyo kung ano ang plano niya sa 2016 elections.

"If I appear in COMELEC [Commission on Elections], that means I'm running for president,” maiksing saad ng alkalde.

Ang petsa ng filing of candidacy ng mga kakandito para sa 2016 elections ay mula October 12 hanggang October 16.

Samantala, nabanggit din ni Banayo na ilan sa napipisil ni Mayor Duterte na maging bahagi ng kanyang piling senatorial slate ay sina Sarangani Representative Manny Pacquiao at Manila Vice Mayor Isko Moreno.



UPDATE: Base sa karagdagang ulat ng GMA News Online ngayong gabi, nagpadala ng opisyal na pahayag ang kampo ni Duterte na nagsasabing wala pa ring pormal na desisyon ang alkalde para sa 2016 elections.

Sabi rito, "Mayor Rodrigo Duterte stands by his statement last night [Friday] that he has no categorical statement on running for president in 2016."

Inamin naman ni Banayo na sariling interpretasyon niya ang paniniwalang tatakbo bilang presidente si Mayor Duterte.

Aniya, "Yes, it's my interpretation, since we went to the extent of discussing a senatorial ticket.

"Let's just wait for Mayor Duterte's official announcement. It's just a few days anyway before the deadline."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN