Dominic Ochoa expresses frustrations over local political scenario: “We need someone na medyo matindi-tinding kamay.”

Dominic Ochoa expresses his frustrations regarding the current local political scenario: “Nawala na yung gaya nung panahon ni [former President Ferdinand] Marcos na we do something but nandudun yung kultura ng Pilipino, na nawala na. Hindi ako nagpapamakabayan pero nakaka-frustrate.”


Isang Kapamilya artist si Dominic Ochoa, at gaganap siya bilang isa sa magulang ni Jennylyn Mercado na isang certified Kapuso actress sa pelikulang The PreNup.

Kaya kinumusta namin kay Dominic kung paano makatrabaho ang isang Kapuso.

Sabi niya, “Okey naman.

“First of all, siyempre gusto natin 'yan. Nasa isang industriya tayo, gusto nating makatrabaho sila.

“Parang let’s not limit ourselves with the Kapamilya artists, di ba?

“It’s good to experience also yung may Kapatid, may Kapamilya.

“Siyempre may mga taong nakikita mo lang sa telebisyon. Nung nakita ko si Jennylyn sa totoong buhay, na-mesmerize ako sa kanya.

“Hindi kasi ako mahilig sa... mas type ko yung maputing-maputi talaga.

“Yung kanya kasi, medyo Filipina beauty si Jen na singkit, e. So her beauty, nag-standout sa akin.”

AWESTRUCK WITH JENNYLYN. Binanggit namin kay Dominic na FHM’s Sexiest Woman din si Jennylyn ng 2015.

Dagdag niya, “Actually, hindi ko pa nga naisip yun, e!

“Nalaman ko lang yun nung nakasama na namin siya.

“Tapos you see her, pag umuuwi ako, kung saan-saan—Skyway, EDSA. May makikita ka na puro poster niya, billboards. I mean, she’s everywhere!”

Sa kabila nito ay napaka-simpleng babae raw ni Jennylyn.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dominic sa presscon ng pelikula ng Regal Entertainment, Inc. na The PreNup sa Valencia Events Place noong September 29.

Gay couple sina Dominic at Gardo Versoza sa The PreNup, at bukod kina Jennylyn at Sam Milby ay honored din daw si Dominic na makatrabaho ang mga veteran stars na sina Freddie Webb at Jaclyn Jose.

Mapapanood sa mga sinehan ang The PreNup sa October 14.

REPRISING GAY ROLE. Pangalawang gay role na ito ni Dominic sa pelikula. Ang una ay ang My Kuya’s Wedding nina Ryan Agoncillo at Maja Salvador.

“Mahirap [ang gay role] pero madadali na dahil sa kasama mo, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahusay si Gardo.

“Pangalawa, pagpasok pa lang namin sa set, nagmamaneho pa lang ako ng sasakyan, ini-imbibe mo na yung character.

“Hanggang pag-uwi mo nga, yung boses mo, yung kalambutan mo, nadadala mo minsan hanggang sa susunod na araw,” kuwento pa niya.

FRUSTRATED WITH POLITICAL SCENARIO. Malapit na ang eleksyon. Sino ang napupusuan ni Dominic bilang kanyang presidential candidate?

Ayon kay Dominic, “Wala akong nakikita sa kanila, sa totoo lang!

“In my own opinion and I hope they respect my opinion, they’re all kakilala natin—Mar, Binay, Grace…" banggit niya kina Secretary Mar Roxas, Vice President Jejomar Binay, at Senador Grace Poe-Llamanzares na pawang kakandidato sa pagka-presidente ng bansa sa 2016.

“We need someone na medyo matindi-tinding kamay.”

Ano para sa kanya ang mga katangian ng isang ideal president?

“You know why? Hindi na change ang kailangan natin.”

Overhaul?

“Oo! Hindi lang change, matindi-tindi na. Everything!

“I live in the South, traffic is terrible.

“Hindi lang 'yan. Yung safety din.

“I’ve experienced yung mga aksidente, yung tutukan, susmaryosep!

“Yung mga ganun, pansinin natin, lahat ng mga...

“Sorry to say, but most of them na nakikita ko na may kuwarta yung mga connected to, may project with, hindi tayo naiinggit but it became a business, di ba?

“It became a business. 'Let’s run, so when we win, we do something. We do a project, we do this.'

“Nawala na yung gaya nung panahon ni [former President Ferdinand] Marcos na we do something but nandudun yung kultura ng Pilipino, na nawala na.

“Hindi ako nagpapamakabayan pero nakaka-frustrate,” pahayag niya.

Dahil ba sa mga frustrations niyang ito ay wala siyang nakikitang ideal na susunod na pangulo?

Patuloy pa ni Dominic, “Ever since, after Marcos, wala akong nakita.

“Sorry, it’s my own opinion, wala tayong magagawa.

“Maybe they’ve done something but, naabutan ko yung pang-ilan tayo na sikat na bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At everytime I go out of the country when you see others, nakaka-frustrate!

“Huwag na tayong lumayo, e. Everytime that we talk about this, talagang umiinit ang ulo ko, sumasama ang loob ko.

“You know why, because I’m thinking of the future of my son.

“Di ba? Ano na lang kapag pinagmaneho namin yun?

“Kung ako nakaka-experience sa traffic two hours every day, paano na kaya sila in the next ten years?

“What, four hours?

“Maawa naman kayo sa taumbayan!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN