Cristine Reyes resumes acting career; teams up with Zanjoe Marudo in new Kapamilya serye

Cristine Reyes admits missing acting during her temporary showbiz hiatus because of her pregnancy: “Na-miss ko. Na-miss kong magtrabaho, na-miss ko ang iyakan buong maghapon hanggang magdamag. Na-miss ko yun.”


Nagsimula nang mag-taping si Cristine Reyes para sa bago niyang teleserye sa Kapamilya network, ang Tubig at Langis, kunsaan katambal niya si Zanjoe Marudo.

Ayon kay Cristine, na-miss daw niyang magtrabaho mula noong mabuntis siya hanggang sa isilang niya ang kanyang first baby sa boyfriend niyang si Ali Khatibi.

Inilahad ni Cristine ang kanyang sentimiyento tungkol dito noong nag-live guesting siya at ang kanyang boyfriend sa Tonight With Boy Abunda kagabi, October 9.

Sabi niya, “Na-miss ko.

Na-miss kong magtrabaho, na-miss ko ang iyakan buong maghapon hanggang magdamag.

“Na-miss ko yun. Very happy ako sa set.

“First time kong makatrabaho rin si Direk FM Reyes and sobra niyang maalaga, sobra.

“And meron pa 'kong isang project, Lumayo Ka Man Sa Akin ni Bob Ong.

“Comedy ‘to, sobrang kalokohan siya.

“Partner ko rito si Jayson Gainza at Paolo Ballesteros and there are two other episodes.

“Yung first, with Maricel Soriano and Herbert Bautista. Yung second episode, with Candy Pangilinan and Benjie Paras naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN