Ai-Ai delas Alas optimistic about ongoing search for Jiro Manio's dad; stages show with fellow Kapuso stars in Japan

Ai-Ai delas Alas (shown in photo with Aicelle Santos, Alden Richards, and Japan-based Filipina concert producer Luisa Kondo) on ongoing search for Jiro Manio's dad: “Si Jiro, still nandoon pa rin sa [wellness] facility pero malapit na siyang lumabas and, hopefully, yung tumutulong sa amin, si Mr. Nakasawa, makausap niya ngayon o tomorrow yung father ni Jiro.”


TOKYO, JAPAN - Mainit ang pagtanggap ng Japan-based Pinoys kina Ai-Ai delas Alas, Alden Richards, at Aicelle Santos sa presscon para sa Sampuso kagabi, October 10.

Ang Sampuso ay ang 10th anniversary show ng GMA Pinoy TV na gaganapin ngayong Linggo, October 11, 2 P.M., sa New Pier Hall, Tokyo.

Ayon sa Japan-based Filipina concert producer na si Luisa Kondo, talagang well-attended ang naturang presscon dahil excited na excited ang mga kababayan natin sa Japan na makita nang personal sina Ai-Ai, Alden, at Aicelle.

Nangako naman ang Kapuso stars na pasasayahin ang lahat ng mga manonood ng Sampuso.


Ilan sa mga tanong ng Filipino media sa Japan kay Ai-Ai ay tungkol sa pagtulong niya kay Jiro Manio at ang pagiging Kapuso actress nito.



ALL ABOUT JIRO. Unang nagbigay ng update si Ai-Ai tungkol kay Jiro.

Sabi ng Philippine Queen of Comedy, “Si Jiro, still nandoon pa rin sa [wellness] facility pero malapit na siyang lumabas.

"And, hopefully, yung tumutulong sa amin, si Mr. Nakasawa, makausap niya ngayon o tomorrow yung father ni Jiro.

“And hopefully rin, in God’s grace, sana madala ko rin siya dito sa Japan bago mag-Christmas para magkita sila ng father niya, tapos iuuwi ko rin siya sa Pilipinas.

“Sana makapag-artista siya uli, kasi sayang naman yung talent ng bata kung hindi natin tutulungan.

“Marami siyang dudurugin na aktor kapag umayos uli si Jiro.

"Di ba, napakagaling na bata? Kaya natin ‘to."

HAPPY AND CONTENTED. Sinabi rin ni Ai-Ai na masayang-masaya siya bilang Kapuso.

“Napakasaya po at saka po napaka-contented ko sa GMA-7.

"Iba po kasi yung happiness na kuntento ka kesa dun sa happiness na may hinahanap ka pa.

“Ako po, talagang kuntento na ako.

"And sabi nga, huwag kang magsasalita ng tapos, pero ako, I think, dito na ako sa GMA-7 forever. Kaya may forever.

“Yes, naniniwala ako sa forever.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN