Piolo Pascual excited over team-up with Kim Chiu for 2016 flick

Piolo Pascual on the prospect of being paired with Kim Chiu for a 2016 movie: “Because of that nga [cameo role in Etiquette for Mistresses], nagkaroon ng idea ang Star Cinema to pair us in a movie and I hope it pushes through. Of course, by next year. I think so. I hope so.”


Isa si Piolo Pascual sa mga nagkaroon ng cameo role sa pelikulang Etiquette for Mistresses.

Si Piolo ang gumanap bilang lalaking pakakasalan ni Kim Chiu pagtatapos ng istorya.

Positibo ang paglabas na ito ng aktor sa pelikula dahil marami ang kinilig at nagtilian nang ipakita si Piolo sa eksena.

Sinabi ni Piolo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News na malaki ang posibilidad na magkaroon sila ni Kim ng pelikula sa susunod na taon dahil sa cameo role niya sa Etiquette.

Ibinalita ito ni Piolo sa Cherry Mobile event noong nakaraang Biyernes, October 9, sa New World Hotel, kunsaan ipinakilala siya bilang OFW Brand Ambassador.

Ani Piolo, “Siyempre, Star Cinema 'yan.

“I’m a Star Cinema baby. So ako, di na kailangang sabihin pag may mga ganun. Tulungan dapat.

“At the same time, it’s an opportunity. I miss working with Direk Chito [Roño], and I expressed my intention to work with Kim even for a scene.

“Because of that nga, nagkaroon ng idea ang Star Cinema to pair us in a movie and I hope it pushes through.

“Of course, by next year. I think so. I hope so.’



HAPPY REUNION WITH KIM. Sinabi ni Kris Aquino sa isang interview noong block screening na inisponsor ni Boy Abunda para sa Etiquette na nagpapasalamat siya (Kris) kay Piolo na pumayag ito mag-cameo role sa pelikula na walang bayad.

Pinasalamatan din ni Kris si Derek Ramsay dahil sumang-ayon din itong mag-cameo role sa Etiquette kahit walang talent fee.

Nabanggit rin ni Kris na hindi napasalamatan ni Kim si Piolo sa naitulong niya sa pelikula.

Kuwento ng aktor, kaibigan niya si Kim at gusto niyang makatrabaho ang lahat ng aktres sa ABS-CBN.

Sabi ni Piolo, “It’s okay naman.

“Kinausap naman niya ako. Di nga lang niya ako binigyan ng regalo. Hahaha!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kim and I are still the same. We’re friends. Since she started, I’ve seen her growth sa napakaliit na mundo ng showbiz.

“Napakaganda na makapareha natin ang lahat. Si Kim, she’s always giggly naman kasi. She’s fun to work with.



JUST FRIENDS WITH MAJA. Sa nakaraang guesting ni Maja Salvador sa Tonight With Boy Abunda, tinukso ni Boy ang aktres kay Piolo.

Pero siniguro ng aktor na magkaibigan lang sila ni Maja.

“Nagsimula sa London. Maja and I are friends, very good friends.

“Napakaliit ng mundo namin na kami na mismo nali-link sa isa’t isa.

“Nagkakaroon ng mga kung anu-anong rigodon pero wala tayong magagawa, napakaliit ng mundo natin pero we’re all friends.

“Mahirap magsalita sa camera, e. Masyado nang public ang mga buhay namin.

“We even talk about what we do in our private moments so we just try to keep it to ourselves 'coz at the end of the day, no matter what you say, you’re still gonna be bashed.

“People will have their opinions and comments about that, so just to prevent yung mga ganung masasakit na masasabi sa iyo, siguro it’s better not to say anything about it.

“But you know, I’m not keeping it hanging. I’m friends with Maja."



COURTESY TO SHAINA. Binigyan ni Piolo ng bouquet of flowers ang ex-girlfriend na si Shaina Magdayao sa nakaraang 9th Star Magic Ball.

Marami tuloy ang nag-isip na baka gustong makipagbalikan ng aktor kay Shaina.

“Okay naman kami ni Shai.

“Just like I’ve said, I read the article. Okay kami, it’s a courtesy.

“I remember, sabi ko, siya yung ka-date ko lagi every year. Last year pala, si Iza [Calzado].

“We’re always together. We always end up spending the night together sa ball. Naging yearly tradition na namin yun, so yun lang,” paglinaw ni Piolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ALL'S WELL WITH THE MEGASTAR. Natuldukan na ang gusot sa pagitan nila Sharon Cuneta at Piolo nang aminin ng Megastar na pinagsisisihan niya kung anuman ang mga nasabi niyang hindi maganda tungkol sa aktor noong maghiwalay sila ni KC Concepcion.

Si KC ang panganay na anak ni Sharon.

Para kay Piolo, masarap ang pakiramdam ng walang kaaway sa industriya.

“All‘s well that ends well. We don’t want any enemies in this business. We only want to spread love and goodness,” pagpapasalamat niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN