Yaya Dub, Lola Nidora, Alden honored at the 4th Catholic Social Media Summit

Personal na tinanggap nina Lola Nidora (Wally Bayola) at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang mga parangal na iginawad ng 4th Catholic Social Media Summit para sa pagpapalaganap nila ng magandang kaugalian sa pamamagitan ng Kalyeserye.


Nagkamit ng limang karangalan ang Kalyeserye ng Eat Bulaga! sa ginanap na 4th Catholic Social Media Summit sa Sta. Rosa, Laguna ngayong Linggo ng gabi, October 11.

Ang Kalyeserye ay nagtatampok sa phenomenal Aldub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.

Sa pamamagitan ng Kalyeserye ay ibinabalik ang tila nakalimutan nang paraan ng panliligaw ng mga Pinoy sa pamamagitan ng mga karakter nina Alden, Maine, at ng istriktang si Lola Nidora (Wally Bayola).

Si Maine o Yaya Dub ay ginawaran ng Catholic Social Media Achievement Award "for being influencial in propagating Christian values to the youth."

Si Alden ay nagkamit ng Catholic Social Media Award "for being a good youth role model."

Si Lola Nidora naman ay binigyan ng Catholic Social Media Award "for being instrumental in spreading good values in media."

Ang TAPE Inc., na siyang producer ng Eat Bulaga, ay binigyan ng Achievement Award "for producing ‪‎Kalyeserye‬ and giving importance to promoting Christian family values and virtues."

Maging ang AlDubNation Team, ang hukbo ng mga tagahanga ng AlDub, ay nakakuha rin ng Achievement Award "for spreading #KalyeSerye values online through inspirational posts and tweets."

Personal na tinanggap nina Maine at Wally, bilang Yaya Dub at Lola Nidora, ang kanilang mga parangal kanina; kasama ang ilang executives ng TAPE Inc. sa pangunguna ng creative director na si Jenny Ferre.

Naringgan din ng maikling mensahe si Yaya Dub na ikinasigaw ng mga nasa audience: "Maraming salamat po. Aldub you all."

Mensahe naman ni Lola Nidora: "Ang Kalyserye ay patuloy pong magbibigay-daan makapagbahagi ng tamang asal, kabutihang-asal, at pagmamahal sa kapwa at pagmamahal sa Diyos... Eto na ang tamang panahon."

Pagkatapos nito ay ipinasa ulit ni Wally kay Maine ang mikropono.

Pahayag ni Maine, "Maraming salamat AlDub Nation. Para sa inyo po itong lahat."

Si Alden ay hindi nakadalo dahil kasalukuyang nasa Japan ang Kapuso actor-TV host para sa 10th anniversary ng GMA Pinoy TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nauna nang nilinaw ng pamunuan ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) na wala silang kinalaman sa Catholic Social Media Summit.

Ayon sa statement na inilabas ni CBCP president Archbishop Socrates Villegas, ang Catholic Social Media Summit ay hindi nila inisyatibo kundi ng lay youth group na Youth Pinoy and the Areopagus Communications, Inc.

Layunin ng grupo na itanim sa online users ang pagiging responsable sa paggamit ng social media.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN