Maine Mendoza can finally say "I am proud of myself"

Maine Mendoza writes this message on her Instagram account: "Kung wala pa man akong napapatunayan sa inyo, sa 'kin marami-rami na.. at yun lang, sapat na. Sapat na din para masabi kong proud ako sa sarili ko. Way to go, Meng!"


Isang mahabang mensahe ang ipinarating ni Maine Mendoza para sa kanyang mga tagasubaybay at para sa kanyang sarili, isang araw pagkatapos niyang mag-perform sa "Bulaga Pa More, Dabarkads Pa More" grand finals ng Eat Bulaga.

Nakipagsabayan si Maine sa mga datihan nang hosts ng programa na sina Paolo Ballesteros, Ruby Rodriguez, at Ryzza Mae Dizon; at sa kapwa niya baguhang si Patricia Tumulak.

Sa kanyang performance ay nagsayaw at tumugtog ng drums si Maine.

Pero ang nanalo ay si Paolo dahil sa kanyang "buwis-buhay" production number.

Sa pamamagitan ng Instagram (mainedcm) ay inihayag ni Maine ang saloobin niya sa mga pagbabagong nangyayari sa kanya ngayon ilang buwan pagkatapos niyang pasukin ang mundo ng telebisyon sa pamamagitan ng Eat Bulaga.

Tatlong buwan na ang nakalilipas mula nang mapanood sa unang pagkakataon si Maine bilang Yaya Dub sa "Problem Solving" segment ng Eat Bulaga.

Ito ay matapos maging viral sa Internet ang kanyang Dubsmash videos, na naging basehan ng karakter niya sa longest-running noontime show sa Pilipinas.

Ngunit pagkalipas lamang ng ilang linggo ay umalagwa nang husto ang kasikatan ni Maine dahil sa tambalan nila ni Alden Richards—ang AlDub.

Itinuturing na phenomenal ang AlDub loveteam dahil maliban sa tumaas nang husto ang rating ng Eat Bulaga, sumira rin ng record sa Twitter ang kanilang hashtag.

Nagbigay-daan din ito sa sunud-sunod na product endorsements para kina Maine at Alden.

At para kay Maine, ang pagiging bahagi ng Eat Bulaga! ay naging tulay upang madiskubre niya ang iba pang maaari niyang gawin.

Bukod sa pagda-Dubsmash ay naipamalas din ni Maine ang kakayahan niya sa pagsasayaw, pagkanta, pag-arte, at pagpe-perform sa harap ng maraming tao.



THE GIRL WHO COULD. Kaya naman sa kanyang Instagram post ngayong araw, October 11, ay ipinahayag ng 20-year-old TV sensation ang saloobin niya sa mga pagbabagong nangyayari sa kanya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito ay inamin niyang mababa ang self-esteem niya at wala siyang tiwala sa kanyang sariling kakayahan noon.

"I used to be a girl with a poor self esteem—I actually think I still am.

"I never believed in my capability of doing things; it could be just me being a pessimist about almost everything but the thing is, I never really believed in myself.

"Every time I am about to do something, the first thing that comes to my mind is 'Hindi ko kaya yan.' (That's the fighting spirit! *note sarcasm*)

"Though I am already used to it, it's still sad to think that I grew up with a negative mindset.

"I grew up believing I am not good enough for anything."

Ngunit ngayon daw ay marami na siyang nagawa na hindi niya inakalang magagawa niya.

Nagsisimula na rin siyang lumabas sa kanyang comfort zone, sa tulong ng Eat Bulaga.

At ngayon ay masasabi na niya sa kanyang sarili na: "I am proud of myself."

"People may think 'Wala pa namang nararating/napapatunayan yang Yaya nyo." True enough, I guess.

"Pero para sa 'kin, I've done so many things that I never thought I can do; things that I never imagined I am capable of doing.

"Everything that I am experiencing and doing right now is new to me.

"And I am proud to say that [finally] —because of Eat Bulaga— I am having the courage to step out of my comfort zone.

"I have waited so long for the moment where I'd be able to say 'I am proud of myself.'"

Dagdag pa ni Maine, "Kung wala pa man akong napapatunayan sa inyo, sa 'kin marami-rami na.. at yun lang, sapat na.

"Sapat na din para masabi kong proud ako sa sarili ko. Way to go, Meng!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

I used to be a girl with a poor self esteem— I actually think I still am. I never believed in my capability of doing things; it could be just me being a pessimist about almost everything but the thing is, I never really believed in myself. Every time I am about to do something, the first thing that comes to my mind is "Hindi ko kaya yan." (That's the fighting spirit! *note sarcasm*) Though I am already used to it, it's still sad to think that I grew up with a negative mindset. I grew up believing I am not good enough for anything. People may think "Wala pa namang nararating/napapatunayan yang Yaya nyo." true enough, I guess. Pero para sa'kin, I've done so many things that I never thought I can do; things that I never imagined I am capable of doing. Everything that I am experiencing and doing right now is new to me. And I am proud to say that [finally] —because of Eat Bulaga— I am having the courage to step out of my comfort zone. I have waited so long for the moment where I'd be able to say "I am proud of myself". Kung wala pa man akong napapatunayan sainyo, sa'kin marami-rami na.. at yun lang, sapat na. Sapat na din para masabi kong proud ako sa sarili ko. Way to go, Meng! 😁👍

A photo posted by Maine Mendoza (@mainedcm) onOct 10, 2015 at 10:43pm PDT


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN