Pauleen Luna and Vic Sotto to wed on January 2016; do not talk about prenup

Pauleen Luna on prenuptial agreement: "Para sa akin, parang medyo nakakawalang respeto sa babae kung bibigyan mo ng prenup. Kasi pakakasalan mo pa kung hindi mo naman siya tina-trust. That’s my take on it."


Ngayong buwan ng Oktubre ay ilalabas na nina Vic Sotto at Pauleen Luna ang “Save the Date” cards sa mga iimbitahan nilang guests sa kanilang kasal.

Ang gusto ni Vic ay magkasabay sila ni Pauleen na i-announce kung kailan ang petsa at sinu-sino ang mga kasama sa entourage ng kanilang kasal.

Ang sinabi lang ni Pauleen, nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa studio ng CelebriTV noong October 8, ay sa January 2016 ang kasal nila ni Vic.

Hindi raw muna niya sasabihin ang eksaktong date.

Sa ngayon ay pinaghahandaan lang daw nila ang lahat na kailangan sa kanilang pag-iisang dibdib.

Saad ni Pauleen, “Well, every week nagmi-meet na kami with the [wedding] coordinator.

“Ngayon medyo final na yung caterer, and then the one who will make my dress and Vic’s suit.

“May venue na rin yung kasal at yung reception.”

Si Francis Libiran daw ang gagawa ng wedding gown ni Pauleen at pati na ang suit ni Vic.

Mas gusto raw kasi nilang Filipino designer ang gagawa ng kanilang wedding gown and suit.

“Mas maganda naman talaga yung tailored for you.

“Para kung ano talaga ang gusto mong mangyari than buying something that’s off the rack,” sabi ng Kapuso actress-TV host.

Nakausap na rin daw nila ang mga tatayong principal at secondary sponsors na karamihan ay mga Dabarkads nila sa Eat Bulaga.



WEDDING PREPARATIONS. Tingin ni Pauleen, medyo gahol pa rin sila sa oras sa paghahanda kaya dito siya naka-focus sa ngayon.

“I have naman Ms. Rita [Neri], my coordinator, to help me fix other things.

“They’re very efficient naman, saka nagkakasundo kami kasi very OC ako sa ganyan, e.

“Tapos, at the same time, sila makulit din sa information.

“Kaya hindi naman ako masyadong nahihirapan.

“Mas gusto namin na halos matapos na lahat na kailangan by October, para November-December and then onwards, hindi na masyadong ma-pressure.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



THE HOUSE. Ang isa pang nakadagdag sa paghahanda nina Pauleen at Vic ay ang bahay na ipinapatayo nila sa isang exclusive village sa Laguna.

Ayon kay Pauleen, “Siguro nasa 75 percent na.

“We’re just waiting for the windows na dumating. Pag dumating yun, dire-diretso na siya.

“Okay na, may porma na siya.

“Target time namin to finish is around December.”

Ang mga bintana na ilalagay sa ipinapatayo nilang bahay ay in-order dito sa Pilipinas pero sa Amerika pa ipinagawa.

Paliwanag ni Pauleen, “Kailangan kasi dahil… kailangan matibay yung windows.

“Kasi hindi maganda yung nagtitipid ka sa isang bagay na dapat hindi mo pagtipiran.

“Pero sa mga ibang bagay, nagtipid kami.”

Hangga’t maaari ay gusto raw sana nila ni Vic na magiging pribado na ang bahay na tutuluyan nila pagkatapos ng kasal.



NO PRENUP. Samantala, tinanong din ng PEP kay Pauleen kung may prenuptial agreement ba sila ni Vic.

Sagot ng 26-year-old actress-TV host, “Wala. Hindi namin napapag-usapan ‘yan.

“Siyempre, iba-iba naman ang opinyon ng mga tao with prenup.

“Pero kasi, para sa akin, parang medyo nakakawalang respeto sa babae kung bibigyan mo ng prenup.

“Kasi pakakasalan mo pa kung hindi mo naman siya tina-trust. That’s my take on it.

“Of course, merong ibang tao na iba naman ang opinyon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN