Nikki Gil to quit showbiz after her wedding?

Kapamilya actress-TV host Nikki Gil is set to marry businessman BJ Albert in November. Nikki says she will take a long break from showbiz after her wedding. “Oo, mahabang-mahabang bakasyon para ma-enjoy namin ang pagiging couple.”


Abalang-abala na si Nikki Gil sa paghahanda at pag-aasikaso sa nalalapit na kasal nila ng kanyang businessman fiancé na si BJ Albert sa darating na Nobyembre.

Busy man ay nagagawa pa ring puntahan at harapin ni Nikki ang kanyang commitments, gaya na lang ng pagdalo niya sa 10th anniversary celebration ng ATC Healthcare International Corporation na ginanap sa Makati Shangri-La Hotel noong Oktubre 10.

Si Nikki kasi ang celebrity endorser ng Reducin anti-obesity capsule, na isa sa mga produkto ng ATC Healthcare.

Nang makausap nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Nikki sa naturang event ay kinumusta namin ang lagay niya ngayon.

Sagot ng Kapamilya actress-TV host, “I’m good, thank you. I’m fine. Masaya talaga. Hashtag Blessed.”

Handang-handa na ba siya sa wedding?

“Korek!” bulalas niya.

Kitang-kita ang kanyang kasiyahan sa mga ipinu-post niyang pictures sa Instagram kaugnay ng kanyang kasal. Pero wala ba siyang nararamdamang wedding jitters?

Aniya, “Wala naman. Huwag tayong mag-entertain ng mga ganyang thoughts.”



PLANS AFTER WEDDING. Pinaghahandaan na rin ba nila ni BJ ang mga gagawin nila pagkatapos ng kasal?

“Yes, preparations have been made, of course, kailangan iyan,” sabi ni Nikki.

Gusto ba nila ni BJ na magkaroon agad ng anak?

“Tingnan natin. Mahirap magplano ng ganyan, e.

“Basta kung ano iyong ibigay ng Panginoon, doon tayo.”

Magbabakasyon ba muna siya pagkatapos ng wedding?

Ayon kay Nikki, “Oo, mahabang-mahabang bakasyon para ma-enjoy namin ang pagiging couple.”



TO QUIT OR NOT TO QUIT SHOWBIZ. Ano na ang mangyayari sa kanyang career?

“I guess I’m going with the flow.

"Parang ano naman, different seasons, different chapters.”

Ibig sabihin ba nito ay magku-quit na siya sa showbiz?

“A… we’ll see, we’ll see.”

Ikinukunsidera niya ba ang ideya na mag-quit?

Sagot ni Nikki, “A… right now my focus is on what’s happening in my life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“All my focus is on the wedding. So, we’ll see what happens.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN