Chavit Singson confirms plan to buy shares of GMA Network with Manny Pacquiao

Chavit Singson on retiring from politics: "Dahil siyempre may mga mas bata na. Mas may magaganda siguro silang mga ideya. So, pabayaan na natin sila, para mas magaganda ang mga gagawin nila. Mahirap naman yung ako na lang palagi. So, mas maganda na subukan natin ang mga bagong kabataan ngayon."


Nilinaw ni dating Ilocos Sur Governor Luis ‘Chavit’ Singson ang napabalitang pagbili nila ni Sarangani Congressman Manny Pacquiao ng shares sa GMA Network.

Sabi ni Singson, "Hindi, hindi pa. Uutang muna kami ni Manny Pacquiao.”

Pero inamin ng controversial political figure na may plano sila ni Manny na bilhin ang shares ng Kapuso network.

"Meron… meron. Pero malayo pa dahil umuutang muna kami ni Manny. Siguro kapag nakautang na kami."

Bakit interesado sila ng Pambansang Kamao sa Kapuso network?

Sagot ni Singson, "Negosyo 'yan, e.

"So, depende sa grupo namin... may mga partners din kasi ako."

Ang balita ay pirmahan na lang daw ang kailangan.

Pero pagtanggi ni Singson, "Hindi, hindi. Mangungutang muna kami ni Manny."

Kapag pinagsama-sama raw ang kayamanan nila ni Manny ay sapat na ito para mabili ang GMA.

Pabirong sagot ng dating governor, "Kailangang mag-boxing muna siya.

"Talagang may partners kami, pero kailangan pa talagang umutang kami ni Manny.

"Kaya sabi ko sa kanya, mag-boxing muna kako siya bago namin makuha."

Sa taon na ba ito mangyayari ang kanilang plano?

"Hindi ko pa alam, hindi pa.

"May mga investors kami na kasosyo na interasado.

"Ang pagbili ng telecommunications, tulad ng television network, ay bawal ang foreign investors.

"So, para mabili ay kailangang umutang kami ng pambili namin.

"So, yun ang ginagawa namin ngayon."

Bakit hindi na lang siya magtayo ng sarili niyang network katulad ng ibang TV networks?

Paliwanag ni Singson, "Ang networks kasi, kailangan mo ng frequency.

"So, yung ibang frequency, nakuha na ng lahat."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling miyembro ng media si Singson sa Bar Tech, sa Calle Crisologo ng Heritage Village, sa Vigan, Ilocos Sur, noong Sabado ng gabi, October 10.



RETIRING FROM POLITICS. Samantala, napag-usapan din ang tungkol sa hindi na pagtakbo sa pulitika ni Singson.

Ano ang dahilan at nag-retire na siya sa larangang ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ng 74-year-old politician-businessman, "Dahil siyempre may mga mas bata na. Mas may magaganda siguro silang mga ideya.

“So, pabayaan na natin sila, para mas magaganda ang mga gagawin nila.

"Mahirap naman yung ako na lang palagi.

"So, mas maganda na subukan natin ang mga bagong kabataan ngayon."

Dugtong pa niya, "Well, more aggressive sila. Aalalayan na lang namin sila.

"Yun ang... yung mga malalaking kumpanya nga, sa pagpasyal ko sa buong mundo, minsan yung mga bata na ang pinalalakad nila.

“Yung ideas nila, yun ang nagki-click, e.

"So, kung hindi mapagbibigyan natin ang kabataan ngayon, baka naman mabalanse yun ng pagkakataon.

"Maging sa negosyo, pinababayaan nila ang ideas ng mga kabataan, e.

"Kagaya ng malalaking kumpanya ngayon, mga bata nag-umpisa ang mga ‘yan, e.

"Yung mga Google, yung mga ano, mga bata nag-umpisa ang mga 'yan, e.”



CHAVIT’S SUCCESSORS. Kaya maging ang mga anak niya ay sinasanay na rin daw ni Chavit sa larangan ng pulitika at negosyo.

Ang kanyang anak na si Ronald Singson ay ang incumbent congressman ng 1st district ng Ilocos Sur, samantalang ang kanyang bunsong anak na si Ryan Singson ang kasalukuyang governor ng nasabing probinsiya.

Pahayag ni Singson, "Well, mas maganda yun kaysa laging ako na lang palagi.

"Pag may nangyari sa akin, tatanga-tanga sila.

"Bigyan ko na sila ng... para magkaroon ng experience.

"Oo, ganun naman ako ever since.

"Sa mga anak ko, sinusubuk-subukan ko.

"Yung mga iba na maganda ang... itinutuloy ko.

“Meron namang iba, tinatanggal ko."

Napagod na ba siya sa pulitika?

Mabilis niyang sagot, "Hindi naman.

"Dahil nga ang balak ko sa buhay ko, dahil noong araw na ipinanganak ako, meron na kaming sinehan.

"Awa ng Diyos, may mga kapital ang mga magulang ko—kontratista, may construction company kami, lahat.

"Sa isang salita, medyo mahusay ang buhay namin.

"So, bata pa ako, marunong na ako sa negosyo, kaya napalaki ko yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang plano ko sa mga kinita ko, ipapamigay ko lahat.

"Kasi pag namatay ako, di ko naman madadala lahat.

"Yung mga anak ko, binibigyan ko ng kapital, pero di ko ibibigay lahat.

"Kaya nga ginagawa namin ang Happy Life, yung ang magiging daan namin sa pagbigay ng tulong, mga bahay, at mga eskuwelahan."

Ang Happy Life ay isang television show na tine-tape nila ngayon at nakatakdang ipalabas sa GMA News TV kapag nakumpleto na nila ang 13 episodes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN