Benjamin Alves hopes to play title role in Manuel L. Quezon biopic

Will Benjamin Alves still play the role of Manuel Quezon in the next historical films of Jerrold Tarog? The Kapuso actor says, “I have to get the go signal first if they want me. I mean, I'm hoping it is, I just don't want to assume.”


Kitang-kita sa mukha ni Benjamin Alves ang tuwa sa magandang resulta ng pelikulang Heneral Luna.

Si Benjamin ang gumanap na batang Manuel L. Quezon sa naturang biopic tungkol sa buhay ni Antonio Luna.

Naging patok sa takilya ang nasabing historical film dahil sa magagandang salita mula sa mga nakapanood nito.

Ayon sa huling balita, umabot na sa P245 million ang kita ng Heneral Luna sa takilya.

Dahil dito, sabi ni Benjamin, “We'll have next two films.”

Ang tinutukoy ng Kapuso actor ay ang dalawa pang biopic na balak gawin ng producers ng Heneral Luna.

Ito ay ang tungkol sa buhay nina Gregorio del Pilar (na ginampanan ni Paulo Avelino sa Heneral Luna) at Manuel L. Quezon.

Subalit hindi pa raw sigurado si Benjamin kung siya pa rin ang gaganap na Manuel Quezon sa susunod na pelikula.

“I have to get the go signal first if they want me.

“I mean, I'm hoping it is, I just don't want to assume.

“It will be nice. I still look forward to it.

“But, I mean, it's still up in the air, the script and everything like that.”

Ang tanging alam lang daw ni Benjamin, “I heard the plan was to make the movie sabay.

“Kasi I was afraid na if they do the Gregorio del Pilar now, and then they wait for it to finish and promote it, I have to wait four more years.

“Sabi ko, in four years, baka hindi na ako... mahirap na kasi bata 'yon.

“So, I heard they're gonna do it the same time.

"They're gonna shoot it the same time."



REWARDING ROLE. Aminado si Benjamin na mahirap ang gumanap ng role sa isang historical film tulad ng Heneral Luna.

“Hindi ka puwedeng mag-adlib,” gaya raw sa mga teleserye.

Gayunman, aniya, nakatulong ito nang husto sa kanya bilang aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatulong siya sa Tagalog. You have to say what it is, e.

“There's a reward din, kasi kailangan mong mag-memorize word for word.

“Kapag hindi mo nagawa, mahihirapan ka, kailangan mong mag-adlib, kailangan mo pang pasukan ng ibang emotion.

"It's very rewarding."

Kung sakali, handa naman daw si Benjamin na gumanap na Manuel Quezon sa susunod na biopic.

At kung sigurado na ang pagganap niya sa naturang role, sisiguraduhin daw niyang pag-aaralan pa nang husto ang buhay ng naging presidente noong panahon ng Commonwealth.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN