Rocco Nacino and girlfriend Lovi Poe silent about marriage

Busy actor Rocco Nacino is also into projects that will ensure financial stability not just for himself, but for his family as well: “Mga pumapasok na pera, I make sure to invest at isantabi ‘yan... More on saving for my brother’s tuition, dahil malapit na siyang mag-graduate, setting aside for the future. At nag-iipon ako ngayon para makapagpatayo ng bahay.”


Halos dalawang taon nang magkarelasyon sina Rocco Nacino at Lovi Poe, pero ayon sa Kapuso actor, hindi pa nila napag-uusapan ang pagpapakasal.

“Di ko pa naiisip, lalo na ang daming nangyayari ngayon.

"I’m doing a teleserye [Beautiful Strangers], I’m doing Rufo’s,” pagtukoy niya sa kanyang 24/7 restaurant.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco sa blessing ng Rufo’s branch sa Timog Avenue, Quezon City, katapat ng GMA Network Center, noong Sabado, October 10.

Dagdag pa ni Rocco, busy rin siya sa dalawang upcoming movies at pagiging isa sa co-hosts ng StarStruck, ang reality-based artista search ng Kapuso network.

“Kuhang-kuha na ng trabaho ang schedule ko, so I think when it comes to these matters, maghihintay talaga.

“Di pa talaga namin napag-uusapan, although lagi kaming tinutukso ng mga kaibigan.

“Bata pa kami, andami pa naming pwedeng gawin, e.

"Yun muna, we’re here to support each other.

"Para ma-check namin ang lahat ng gusto naming gawin bago kami mag-jump sa ganun.

"Matagal pa, we have so much to experience pa.”

RESPONSIBILITY. Maging si Lovi ba ay hindi siya inuusisa sa usapang pagpapakasal?

Ayon kay Rocco, “Sa amin, it’s mutual na we wanna make the most out of this muna.

“Bata pa siya, she’s just 26, I’m only 28.

"We’re at the peak of our careers. Gusto naming huwag magmadali."

Tiniyak naman ni Rocco na masaya ang estado ng relasyon nila ni Lovi.

Nakangiting sabi niya, “I always make sure to be a good boyfriend.

"So far, happy naman siya. I’ll make sure hindi maging kampante."

Bukod sa showbiz career, abala rin ngayon ni Rocco sa pagnenegosyo, lalo pa’t may pinaglalaanan ngayon ang Second Prince sa StarStruck V noong 2010.

Saad niya, “Mga pumapasok na pera, I make sure to invest at isantabi ‘yan.

“It’s all about saving and learning to where to put your money.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“More on saving for my brother’s tuition, dahil malapit na siyang mag-graduate, setting aside for the future.

“At nag-iipon ako ngayon para makapagpatayo ng bahay.

"Dun napupunta ang hard earned na kita ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN