Heart Evangelista to stay in the background of husband Chiz Escudero's VP bid

Heart Evangelista says she will help her husband in his bid for the vice presidency as needed: “We feel… we should be doing our own thing. Unless meron siyang hindi mapupuntahan at doon ako pupunta. Tutulungan ko siya in that way."


Nilinaw ni Heart Evangelista ang magiging parte niya sa pagtakbo ng mister niyang si Senator Francis “Chiz” Escudero bilang vice president sa 2016 national elections.

Hindi raw siya regular na makikita sa sorties o campaign ng asawa.

Paliwanag ni Heart, “We don’t want to be the traditional kind of political couple.

“We wanna be different, we feel… we should be doing our own thing.

“Unless meron siyang hindi mapupuntahan at doon ako pupunta. Tutulungan ko siya in that way.

“But happy siya na meron akong trabaho, happy siya na meron akong ibang ginagawa.

“Para hindi naman pagdating niya sa bahay, yun at yun lang ang pinag-uusapan namin.

“So, I think it’s healthty for the two of us.”

Kaya ba dalawang taon pa bago sila magkaka-baby?

Pagsang-ayon ng Kapuso actress, “Yes, and I think that’s right, kasi it’s important na planuhin namin yung mga bagay-bagay.

“Meron din naman akong mga instant kids, so okey na yun.”

Dalawa ang anak ni Senator Chiz mula sa una nitong asawa na si Christine Flores.

MENDING FENCES. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Heart sa launching ng children’s book na pinagsamahan nila ni Rocio Olbes, ang Daughter of the Sun and the Moon.

Bulalas niya, “Ang saya, wala na akong hihilingin, siguro ma-maintain na lang."

Ang ikanasasaya nang husto ni Heart ay ang pagsuporta ng kanyang inang si Cecile Ongpauco sa book project niya.

“Wala na akong inaasam na mas pa sa buhay ko ngayon, ang saya-saya ko,” sabi pa ni Heart.

Dumating din si Chiz sa book launch na ginanap sa Discovery Primea nong October 8.

Bumeso pa ang pulitiko sa kanyang biyenan nang magkita at magbatian sila sa loob ng venue.

“May mga blessings na dumarating from time to time. Unexpected like this book,” saad pa ni Heart sa magandang kaganapang ito sa kanyang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod dito ay ang project niya na bagong line ng clutch bag.

“I’m getting into designing, all these things.

“I’m just happy, tapos nandiyan lang sila; buung-buo ang loob ko.”

Paano niya naayos ang gusot sa kanyang pamilya?

Nakangiti niyang tugon, “Prayers, a lot of prayers.

“Ginawa ko na rin naman lahat sa buhay ko para mapagtahi ang mga bagay-bagay.

“But hindi talaga siya magiging posible kung walang prayers.

“Isa na akong testimony na with a lot of prayers come miracles.”

Wala na raw anumang argumento sa pagitan nila ng mommy niya.

"Wala, wala nang pinaguusapan.

"Kung meron kaming pinag-usapan, lahat encouraging... parang happy sila para sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN