Is Gwen Zamora engaged to boyfriend Jeremy Marquez?

Netizens wonder if Gwen Zamora is engaged to boyfriend Jeremy Marquez after the actress posted photos on Instagram with her left hand flashing what seems to be an engagement ring.


Engaged na ba si Gwen Zamora?

Ilan sa recent posts ng Kapuso actress sa Instagram ay ang kanyang mga larawan na tila proud na ipinapakita ang suot niyang diamond-studded ring sa kanyang right ring finger.

Wala mang binabanggit sa caption si Gwen na patukoy sa singsing, may mga nagtanong sa comment section kung engaged na ba siya.

Look #2... ☺️ @annebismonte_mua

A photo posted by gwenzamora (@gwenzamora) onOct 11, 2015 at 7:54pm PDT

Kasalukuyang karelasyon ni Gwen ang actor-turned-politician na si Jeremy Marquez, anak ng veteran comedian na si Joey Marquez.

Nag-file na rin ng candidacy si Jeremy na tatakbong vice mayor sa Parañaque City sa 2016 elections.

Samantala, nag-post naman si Ellen Adarna noong nakaraang linggo ng larawan nila ni Gwen kasama ang isa pang kaibigan sa Instagram.

Ang simpleng caption ni Ellen sa nasabing picture: “Someone is getting married.”

Someones getting married!!!! #girltime #cookout

A photo posted by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) onOct 8, 2015 at 4:47am PDT

Sa isa sa mga post ni Gwen, isang netizen ang nagtanong sa comment section kung engaged na ba ang Kapuso actress.

Sinagot naman ito ng isang netizen at sinabing engaged na nga ito na kinumpirma ni Sam—na posibleng si Sam Pinto, kaibigan at katrabaho ni Gwen sa GMA at binanggit din ang recent post ni Ellen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN