Jolo Revilla, Alfred Vargas, Jeremy Marquez file COCs on first day

Celebrities Jolo Revilla, Alfred Vargas, and Jeremy Marquez filed their COCs yesterday, October 12.


Ilang showbiz personalities ang nanguna sa first day of filing ng certificate of candicay sa Commission on Elections kahapon, October 12.

Una na rito si Cavite Vice Governor Jolo Revilla na kakandidato sa parehong posisyon sa 2016 elections.

Preparing my COC as and still Vice Governor of Cavite to be filed today. #Halalan2016 #VGJolo2016 pic.twitter.com/Xu9Y5GeOIf

— Jolo B. Revilla (@jolorevilla) October 12, 2015

Ayon sa ulat ng TV Patrol, buo ang suporta ng nobya niyang si Jodi Sta. Maria na namataang kasama ng bise gobernador sa pag-file ng COC nito sa Trece Martires, Cavite.

Kabilang din si reelectionist Quezon City Representative Alfred Vargas na nag-file ng kanyang COC sa Intramuros, Manila.

Namataang kasama niya ang kanyang maybahay na si Yasmine Espiritu.

Sa Parañaque City, kabilang sa nag-file ng COC si Jeremy Marquez na kakandidato bilang vice mayor ng naturang lungsod.

Sa kasalukuyan ay naninilbihan siya bilang barangay captain ng BF Homes Parañaque.

Nag-file din ng COC ang independent candidate na si Jomari Yllana, na tatakbo bilang konsehal ng Parañaque.

Desidido rin si reelectionist Valenzuela Councilor Charee Pineda na muling sumabak sa pulitika.

Our Lord is faithful and in His grace, I will once again take my Oath in… https://t.co/sc9c6bUWpJ

— ChareePineda (@ChareePineda) October 12, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN