Cesar Montano claims estranged wife Sunshine Cruz remains uncooperative amid their legal battle

Cesar Montano on daughters with estranged wife Sunshine Cruz: “I miss them more than my life.”


Inamin ni Cesar Montano na matagal na niyang hindi nasisilayan o nakakausap man lang ang mga anak nila ng estranged wife na si Sunshine Cruz.

Kaugnay ito ng kasong physical abuse at hiwalay na reklamong paglabag sa R.A. 9262 o Anti Violence Against Women and their Children (VAWC) Act na isinampa ni Sunshine laban kay Cesar.

Ito ang pahayag ni Cesar nang kamustahin ang kanyang relasyon sa tatlong anak na babae nila ni Sunshine:

“Well, now, wala pa ako masabi dun kasi isinama ng dati kong asawa yung pangalan ng tatlong anak ko sa case namin.

"And it's inside the circle of gag order kaya wala ako masabi.

"Although I hate the idea, wala akong magagawa."

Nakapanayam ng entertainment reporters si Cesar sa presscon ng pinagbibidahan niyang Metro Manila Film Festival 2015 entry, ang Nilalang, na ginanap sa WeLovePost production house, sa Makati City, Lunes ng gabi, October 12.

Dismayado si Cesar dahil hindi umano nakikipag-ugnayan sa kanya ang kampo ni Sunshine sa kabila ng kasunduan nila noon.

“Hindi nakikipag-cooperate sila, which is actually against the law.

“Kasama yun sa agreement namin pero hindi nila ginagawa,” sabi ng aktor.

Ayon kay Cesar, ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang mag-reach out kay Sunshine sa kabila ng kumplikadong sitwasyon ng kanilang pamilya.

Aniya, “Yeah. As a father, I have to. I have no choice.

"Because ever since na ipinanganak sila, lumaki sila, it has been my passion."

Kahit papaano ay masuwerte raw si Cesar na mayroon siyang pinagkakaabalahan, katulad ng kanyang pagbabalik-pelikula at pati na rin hilig sa pagpinta at paglalaro ng golf.

Ganunpaman, patuloy umano siyang nangungulila sa kanyang mga anak.

“But if you're going to ask me sa part na yun, kung masaya ako, I'm not.

“I miss them more than my life,” malungkot na saad sabi ng aktor.

Nang tanungin kung nami-miss din niya ang estranged wife na si Sunshine, tanging ngiti lang ang isinagot ni Cesar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At sa kabila ng pagsubok na pinagdadaanan, nagpapasalamat si Cesar dahil mas tumatag umano ang kanyang paniniwala sa Diyos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN