Singer Selina Sevilla hopes to push same-sex marriage with longtime partner in the U.S. soon

Selina Sevilla hopes to wed her longtime partner soon in legal same-sex marriage rites in the U.S. Although they already got married here last December 2010, Selina feels that a second wedding officiated under U.S. laws will be more legal and binding.


Bago pa ikinasal sina Aiza Seguerra at Liza Diño ay nauna nang nagpakasal ang singer na si Selina Sevilla kay Lalen Calayan, ang lesbian na pamangkin ni Dr. Manny Calayan.

Hindi nga lamang naging kasing-kontrobersiyal ng kasal nina Aiza at Liza ang kasal nina Selina at Lalen.

Ikinasal sina Selina at Lalen noong December 2010 sa Hotel Intercontinental.

Plano rin daw nilang magpakasal sa Amerika kung saan magiging legal ang kanilang pagsasama.

Ayon kay Selina, “Kaya lang po, maraming bagay-bagay na nangyari din na...

“Hindi naman po ako ipokrita.

“Siyempre pag sinabi mo naman pong magpapakasal sa Amerika, yung ginastos niya [Lalen] dito is times ten ng gagastusin sa Amerika.

“So ako, bilang partners talaga kami… hindi na po ako yung tipo na, 'Sige, magarbo.'

“We are really thinking of the whole family, hindi lang sa akin.

“Kasi may obligasyon ako sa family ko, siya din may obligasyon siya sa mother niya, sa family niya.

“So, kinontain [contain] namin yung finances namin muna.”

SUKOB. Pero plano pa rin daw nilang magpakasal sa U.S.

Sabi pa ni Selina, “Papaunahin po muna namin yung sister niya, which is this January kaya pupunta po kaming Amerika.”

Bakit hindi pa sila sumabay?

Rason niya, “Sukob po.”

Si Selina raw ay hindi naniniwala sa sukob, pero si Lalen ay naniniwala rito.

Ayon sa pamahiin, hindi magandang magpakasal ang magkapatid sa loob ng isang taon.

May mensahe ba si Selina sa mga hindi pabor sa same-sex relationships and marriages?

Aniya, “Matagal ko naman na pong alam na may mga bashers rin po kami.

“Wala po talaga [na mensahe].

“Kasi kung ano po yung reaksiyon nila sa amin, hinahayaan ko na lang po.

“Kasi one day, kung mararanasan din nila yung naranasan ko at naranasan niya [Lalen], maiisip na lang din nila na, ‘Ay, oo nga, hindi ko pala dapat dyinudge ito!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya ako, never po akong nag-aano talaga, never pumatol [sa mga bashers].”

NOT A PERFECT RELATIONSHIP. Ayon kay Selina, hindi naman palaging “bed of roses” ang pagsasama nila ni Lalen.

Pag-amin niya, “Maraming beses din po kaming naghiwalay, ganun.”

May tatlong anak si Selina from her previous relatiosnhips.

“Naku, mas mahal po si Lalen ng mga anak ko kaysa sa akin!” at tumawa si Selina.

Twenty-one, 19, at 12 ang mga edad ng mga anak ni Selina.

“Babae pong lahat,” dagdag niya.

Dalawa sa mga ito ang nasa poder ni Selina, ang isa ay nasa pangangalaga ng ama nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN