Sen. Gringo Honasan on being second choice for VP Jejomar Binay's running mate: "I do not have the luxury of an ego."

Senator Gringo Honasan on vice presidential bid: “This is a sense of duty. I am a good soldier."


“I do not have the luxury of an ego. I have no stariray complex.”

Ito ang pahayag ni Senator Gregorio “Gringo” Honasan II nang hingan ng reaksiyon tungkol sa isyung hindi siya ang first choice na maging running mate ni Vice President Jejomar "Jojo" Binay sa 2016 elections.

Ayon kay Senator Honasan, ang mahalaga ay napili siya sa pamamagitan ng isang maayos na “selection process” sa ilalim ng partido ng United Nationalist Alliance (UNA).

“Kami po ni VP Binay at ako ay pinili sa pamamagitan ng pagdadaan sa proseso ng isang partido na may maliwanag na platoporma at programa,” pahayag ni Senator Honasan sa panayam ng GMA News Online kahapon, October 12.

Ito ay matapos sabay na nagsumite ng Certificate of Candidacy sa Commission on Elections (COMELEC) sina Senator Honasan at VP Binay na siyang standard bearer ng UNA.

Nilinaw ng senador na hindi siya pinilit na tumakbo bilang bise presidente. Ngunit bahagyang natagalan ang kanyang desisyon dahil kinailangan niyang makausap nang masinsinan ang kanyang pamilya.

Lahad niya, “Ang pinilit ko ay yung pamilya ko.

“Ang sabi nga sa akin ng anak ko, ‘Papa, pinanganak ako wala ka, bininyagan ako wala ka, nag-graduate ako ng high school wala ka, nag-18 ako wala ka.

“Ngayon na napakarami mong atraso, at malapit na kitang patawarin, malapit na kitang maging friend, magpapaalam na naman ikaw para umalis sa piling namin.’”

Ngunit sa huli ay naunawaan umano ng kanyang pamilya na kailangan niyang tanggapin ang hamon ng sinusuportahan niyang partido.

Paliwanag pa ni Senator Honasan, “This is a sense of duty. I am a good soldier.

“I am the result of a process that the party went through. I will follow the party I am helping organize.”

Sa kasalukuyan, nahaharap si Senator Honasan sa reklamong paglabag sa Article 217 ng Revised Penal Code o malversation of public fund, na isinampa ng National Bureau of Investigation sa Office of the Ombudsman noong August 7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaugnay ito ng diumano’y maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel scam ng mga sangkot na mambabatas.

Pahayag ni Senator Honasan ukol sa naturang alegasyon: “The Ombudsman will determine that. Up to this point, I trust in the fairness of the judicial system unless proven otherwise.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN