Jennylyn Mercado won't reject Sam Milby if he decides to court her

Jennylyn Mercado has one condition should Sam Milby decide to court her: "Willing ba siyang maging tatay ng anak ko? Kasi yun ang sinasabi at nasa isip ko palagi. Na pag ako nagmahal, iisipin ko palagi ang anak ko. Kasi di lang naman ako nag-iisa, dalawa kami, e."


Diretsahang inamin ni Jennylyn Mercado na may pag-asa si Sam Milby kung sakaling manligaw ito sa kanya.

"Oo, meron naman. Mabait naman yung tao.

"Pero wala naman siyang sinasabi, e.

"Mahirap mag-assume," sabi ng Kapuso actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa presscon ng The Prenup sa Valencia Events Place kamakailan.

Kinikilig ba siya sa Kapamilya actor?

Sagot ni Jennylyn, "Oo naman. Hindi ba halata?

"Dyuko, pinagpawisan nga ako kanina habang katabi ko siya!"



A MOTHER FIRST. Pero may kundisyon si Jennylyn sakaling magkatotoo ang wishful thinking ng mga manunulat na ligawan siya ni Sam.

"Willing ba siyang maging tatay ng anak ko [ang six-year-old na si Alex Jazz]?

"Kasi yun ang sinasabi at nasa isip ko palagi.

"Na pag ako nagmahal, iisipin ko palagi ang anak ko.

"Kasi di lang naman ako nag-iisa, dalawa kami, e."

Sa hiwalay na panayam kay Sam, sinabi nitong hindi problema ang pagkakaroon ng anak ng isang babae kung talagang mahal niya ito.

Reaksiyon naman ni Jennylyn, "Talaga ba? Tingnan natin. Hindi ko alam."

Nabanggit din ni Sam na sa tingin niya, magiging ideal girlfriend o housewife si Jennylyn.

Muling nag-react ang aktres: "Ganun? Agad ?

"Puwedeng maging ano muna kami?

"Si Sam kasi, medyo makulit ‘yan, e, lalo na kapag nakapag-warm up na 'yan. Makulit na 'yan.

"Pero siyempre, parang kulang pa yung twenty-one days na pagsasama namin [sa shooting] para makilala talaga siya."

Dagdag ni Jennylyn, "Kumbaga, maganda sa likod ng kamera, kahit papaano ay makikilala mo talaga siya.

"Siguro mga 60 percent, ganun."

Sasama ba si Jennylyn kay Sam kung yayain siyang mag-date ng isa sa pinaka-eligible bachelor sa showbiz?

Sagot ni Jennylyn, "Tama.

"Ako naman, madali lang akong i-please.

"Basta masarap ang pagkain, okey na ako."

NEW YORK SHOOTING. Ayon kay Jennylyn, maganda na mahirap ang naging shooting nila para sa The Prenup sa New York.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung alam niyo lang, pagdating namin, trabaho.

"Pagkatapos, kanya-kanyang kuwarto ‘yan. Kasi talagang bagsak kaming lahat.

"Hanggang bago kami umalis, nagsu-shooting pa rin kami.

"Wala kaming pasyal, as in wala talaga.

"Sabi ko nga, totoo pala yung literal na trabaho, tapos uwi, ganun."

KISSING SCENES. Napag-usapan din ang kissing scenes nila ni Sam sa movie.

Good kisser ba si Sam?

Tugon ni Jennylyn, "Oo, kasi maalalay 'yan, e.

"Lagi yang, 'Okey lang ba? Okey ka ba?'

"Ako na-feel ko [yung kiss niya], laging mabango.”

Nahawakan ba ni Jennylyn ang abs ni Sam?

Nangingiting tugon ng aktres, "Hindi. Kasi nahihiya nga ako.

"Kasi, ano yun, di ba? Baka mamaya, kabastusan na 'yan sa akin. Baka... kababaeng tao [ko], di ba?"

Kahit pabiro lang?

"Iba yung jokes namin.

"Talagang nakakaloka yung jokes namin, pero to the point na ayokong lumampas sa limit.

"Gusto ko pa rin yung kumportable pa rin kami," sabi ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN