Toni Gonzaga, Paul Soriano criticized for supporting Sen. Bongbong Marcos's VP bid

by Rachelle Siazon
Oct 13, 2015
Toni and Paul spotted at Senator Bongbong Marcos's vice presidential bid announcement at Intramuros, Manila.

Umani ng iba’t ibang reaksiyon ang pagsuporta ni Toni Gonzaga kay Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na kakandidato bilang bise presidente sa 2016 elections.

Ito ay matapos mamataan ang Kapamilya TV host-actress-singer at ang mister niyang si Paul Soriano sa ginanap na anunsiyo ni Senator Bongbong para sa kanyang vice presidential bid, sa Intramuros, Manila, noong Sabado, October 10.

Base ito sa larawang ibinahagi ng Manila Bulletin sa Twitter, kung saan makikita ang mag-asawang Toni at Paul kasama ang dating first lady na si Imelda Marcos at ang veteran TV host na si German Moreno.

German Moreno, Director Paul Soriano and Toni Gonzaga-Soriano showing their support for @bongbongmarcos pic.twitter.com/H3HiPfCJLm

— Manila Bulletin News (@manila_bulletin) October 10, 2015

Ngunit sa kabila ng pagtataka ng ilan, matatandaang nagsilbing ninong sa kasal nina Toni at Paul si Senator Bongbong noong June 12, 2015.

Minsan na ring nailathala rito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang profile ni Paul, kung saan nabanggit na kabilang sa mga idinirek niyang political AVPs ang kina Senator Bongbong at Sarangani Representative Manny Pacquiao noong 2010.

Samantala, hindi rin baguhan sa mundo ng pulitika si Toni dahil dati siyang nagsilbi bilang kagawad sa kanilang barangay sa Taytay, Rizal.

Habang ang ama ng TV host-actress na si Carlito Gonzaga—o mas kilala bilang Daddy Bonoy—ay kasalukuyang vice mayor ng Taytay.

MIXED REACTIONS FROM NETIZENS. Hati ang reaksiyon ng mga tagasuporta nina Toni at Paul sa kanilang pag-endorso sa kandidatura ni Senator Bongbong.

Kasabay nito ay naging usap-usapan din sa social media ang pag-alala ng netizens sa panahon ng diktadura nang ang yumaong ama ni Bongbong na si Pangulong Ferdinand Marcos pa ang Pangulo ng Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabilang banda, agad ding dinepensahan si Toni ng kanyang mga tagasuporta at sinabing karapatan ng TV host-actress-singer na pumili ng kandidatong nais nitong suportahan sa 2016 elections.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Toni and Paul spotted at Senator Bongbong Marcos's vice presidential bid announcement at Intramuros, Manila.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results