Luis Manzano explains why he's hesitant to run for public office

Why Luis Manzano is still unsure about joining politics: “It’s gonna be very unfair for the voters na binoto ako, tapos mas busy ako sa showbiz. Nakakahiya naman sa mga botante.”


Hanggang ngayon ay nagdadalawang-isip pa rin si Luis Manzano kung tatakbo ba siya o hindi sa susunod na eleksiyon.

Hanggang Biyernes, October 16, na lang ang deadline ng pagsusumite ng certificate of candidacy ng mga balak tumakbo sa 2016 elections.

Sabi ni Luis, “A lot can happen in [three] days. But you’ll never know.

“Siguro it’s about 60-40.

"Sixty na baka medyo hindi muna [tumakbo]."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Luis sa presscon ng Smart Surf Abroad 550 na ginanap sa Edsa Shangri-La Hotel, nitong Martes, October 13.

Sa posibilidad na puwede pang magbago ang kanyang isip, sabi ni Luis, “You’ll never know. Sometimes you wake up with a whole new mindset.

“Sometimes we get a good sleep and then magigising tayo na bigla na iba na ang pananaw natin sa lahat.

"We never know, we still have [three] days."

Ipinaliwanag din ni Luis kung bakit hindi pa siya nakapagdedesisyon kung sasabak ba siya sa pulitika o hindi.

“Because I’m gonna be very busy for the first six months of 2016.

"It’s gonna be very difficult to campaign, that’s for one.

“Second, the whole 2016, I think we’re gonna be very busy.

“Kung saka-sakali man palarin manalo sa pagtakbo, it’s gonna be very unfair for the voters na binoto ako, tapos mas busy ako sa showbiz.

"Nakakahiya naman sa mga botante."

Dagdag pa ni Luis, “If I run, mas mawawalan pa ako ng pera diyan.

"Kung mangungurakot ako, yes, yayaman ako.

"Pero I’d rather make money sa showbiz kesa naman sa uupo ako, dun ako yayaman sa pulitika, which is very wrong.

“Kasi kapag tumakbo ako, maglalabas pa ako ng pera diyan, sigurado ‘yan.

"So I would rather make money na lang," na ang tinutukoy niya ay ang pagtatrabaho sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang ama ni Luis na si Edu Manzano ay sigurado nang tatakbo bilang senador sa 2016.

Pero ang ina niyang si Governor Vilma Santos-Recto ay hindi pa nagpa-file ng kandidatura sa anumang posisyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN