Beauty queen Rizzini Alexis Gomez dies of lymphoma at 25

Miss Tourism International 2012 and Cebu pride Rizzini Alexis Gomez succumbs to lymphoma at the young age of 25.


Pumanaw na ang beauty queen at Cebu pride na si Rizzini Alexis Gomez dahil sa lymphoma nitong Martes ng umaga, October 13.

Si Rizzini ay 25 taong gulang lamang.

Si Rizzini, na itinuturing na pride ng Cebu, ay anak ni dating PBA player Rhoel Gomez na naglaro para sa koponan ng Alaska.

Sumikat ang 5’10” na beauty queen dahil sa beauty titles na kanyang napanalunan, kagaya ng Mutya ng Pilipinas Tourism-International 2012.

Siya ang naging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Tourism International 2012 na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia, kung saan siya ang nag-uwi ng korona.

Isa si Rizzini sa mga dahilan kung kaya't naging masuwerte ang Pilipinas sa international pageants noong 2012.

Bukod sa kanyang pagkapanalo bilang 2012 Miss Tourism International, hinirang ding 1st runner-up si Janine Tugonon sa Miss Universe 2012, samantalang si June Macasaet naman ang nanalo sa Manhunt International.

Sa pareho ring taon, si Rizzini ang naging muse ng Alaska Aces sa opening ceremonies ng PBA Season 2012-2013.

Isang nurse mula sa Cebu, naging kandidata rin si Rizzini sa Miss World Philipines 2012 subalit hindi siya nanalo.

Samantalang hinirang siya bilang Miss Mandaue noong 2008, runner-up sa 2009 Miss Cebu, at Aliwan Fiest Queen noong 2010.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN