Ronnie Ricketts, Vandolph file COCs for 2016 elections

Edu Manzano will run as senator; Ronnie Ricketts is eyeing a congressional seat; Vandolph is also set to run as councilor in Parañaque.


Kabilang sa showbiz personalities na nagsumite ng certificate of candidacy (COC) sa Commission on Elections (COMELEC) ngayong Martes, October 13, si Ronnie Ricketts, na tatakbo bilang Muntinlupa representative sa ilalim ng United Nationalist Alliance.

Nagsilbi rin si Ronnie bilang OMB Chairman mula 2009 hanggang sa kasalukuyan.

Filing of Certificate of Candidacy (COC) for Partido San Pedro @aldrin_sanpedro @ronnie.ricketts #Muntinlupa2016

A photo posted by Mariz Ricketts (@marizricketts) onOct 12, 2015 at 9:51pm PDT

Samantala, buo ang loob na kakandidatong si Vandolph Quizon bilang councilor ng Parañaque.

Kasama niyang naghain ng COC ang misis niyang si Jennifer at ina na si Alma Moreno.

Kakandidato naman bilang vice mayor sa Calatagan, Batangas ang dating Viva Hot Babes member na si Andrea del Rosario.

#noturningback #filling #batangas #calatagan #candidacy #womenempowerment

A photo posted by Andrea Del Rosario (@andreadelrosariohot) onOct 12, 2015 at 10:39pm PDT

Sasabak din sa pulitika ang actor-singer na si Lance Raymundo na tatakbo sa pagkakonsehal sa San Juan City.

Katulad ni Lance ay naghain din ng COC bilang San Juan councilor ang dating comedian na si Inday Garutay.

Maging ang ex-girlfriend ni James Reid na si Ericka Villongco ay kakandidato bilang konsehala sa San Juan.

Samantala, balik-pulitika si dating Laguna Governor ER Ejercito na isa sa showbiz personalities na naghain ng COC kahapon.

Noong May 2014, matatandaang diniskwalipika at pinababa sa puwesto si ER dahil sa kasong overspending noong panahon ng pangangampanya para sa 2013 elections.

Ang aktor na si Alex Castro ay naghain din ng COC bilang provincial board member sa Bulacan.

Muli ring sasabak sa pulitika si Edu Manzano ngayong kumpirmadong kakandidato siya bilang senador sa 2016 elections.

Bukod sa pagiging Optical Media Board chairman mula 2004 hanggang 2009, nagsilbi rin siyang vice mayor ng Makati City noong 1998 hanggang 2001.

Tatakbo bilang independent candidate si Edu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN