Sarah Geronimo will not endorse any politician in 2016 elections

Sarah Geronimo on celebrities endorsing politicians: "Alamin nilang mabuti ang kanilang ini-endorse. Dapat hindi lang siya para sa pera, alam mo yun? Dapat pinaniniwalaan nila yung tao na talagang magli-lead sa magandang kinabukasan ng bansang Pilipinas. Hindi tayo dapat mag-yes basta-basta."


Kinumpirma ng Popstar Princess na si Sarah Geronimo na hindi siya mag-e-endorse ng sinumang pulitiko sa 2016 national elections.

“Hindi po,” sagot ni Sarah nang tanungin tungkol sa ie-endorse niyang kandidato sa darating na halalan.

Paliwanag niya, “Bakit? Kasi po, pahinga muna tayo doon.

"Kapag po meron na akong knowledge talaga sa politics, then, di ba?

"Aarilin muna. Mag-aaral [ako]."

Matatandaang noong mga nakaraang eleksiyon ay hayagang nag-endorso ng mga kandidato si Sarah; kagaya ni Senator Edgardo Angara na tumakbo for reelection noong 2007 at si Senator Loren Legarda nang tumakbo ito bilang vice president noong 2010.

Nanalo si Angara ngunit natalo si Legarda.

Ano ang maipapayao ni Sarah sa mga mga celebrity na mag-e-endorse ng kandidato sa darating na halalan?

Saad ng 27-year-old singer-actress, “Number one, alamin nila. Alamin nilang mabuti ang kanilang ini-endorse.

"Dapat hindi lang siya para sa pera, alam mo yun?

"Dapat pinaniniwalaan nila yung tao na talagang magli-lead sa magandang kinabukasan ng bansang Pilipinas.

"Hindi tayo dapat mag-yes basta-basta."

Kinukonsulta ba niya ang kanyang pamilya pagdating sa pagpili ng mga kandidatong iboboto niya?

Sagot ni Sarah, “Opo naman.

“Yung mga nakaraan po, talagang pinag-usapan naman po ng pamilya yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN