Bianca King supports new TV5 management; open to work again in GMA Network

Bianca King expects a lot from new TV5 management: “Maganda yung ibinibigay na mga bagong challenges, hindi yung palaging nasasanay ka na lang sa dating gawain na may inaasahan kang suweldo."


Suportado ni Bianca King ang bagong pamunuan ng TV5, na ngayon ay nasa gitna ng kontrobersiya kaugnay ng ilang mga polisiya nito, gaya ng early retirement para sa maraming empleyado.

Read: TV5 reportedly undergoing 'major retrenchment'; offers special voluntary separation program to employees

Naging TV5 talent si Bianca at ilan din ang nagawa niyang projects sa Kapatid network.

Dalawang season ang itinagal sa ere ng huling TV5 project ng aktres, ang showbiz-oriented talk show na Showbiz Konek Na Konek.

Pahayag ni Bianca, “Naniniwala naman ako sa namamahala kung ano man yung desisyon na gagawin nila para sa ikabubuti ng network.

“Siyempre, malungkot yung dating empleyado na, I had to say, na-let go. Because a lot of them are my friends.

“Pero para sa akin, kung para sa growth ng network, I’m looking forward to new changes na mangyayari.

“Kasi alam ko na marami silang magagandang plano para sa programming.

"Actually, yung... it was announced na ba? Hindi ako sure, e.

“Ano ang press release nila? May major announcement na ba?"

Patuloy ni Bianca, "Basta, from what I know, it will give other production groups an opportunity to pitch concepts to TV5, yung mga line producers.

“Yun ang kagandahan noon.

"Kunwari, ikaw, meron kang konsepto.

“Meron kang grupo na puwede kang magdirek, magsulat, puwede mag-produce.

"You guys can make your own group, pitch a concept.

“Kahit naman yung employees before, they can also put up their own group and still pitch.

“It gives everyone the opportunity to be more creative, bold in their ideas.

"Maganda yung ibinibigay na mga bagong challenges, hindi yung palaging nasasanay ka na lang sa dating gawain na may inaasahan kang suweldo.

“Ako kasi, pag self-employed ka, mas may drive ka talaga to always look for work or challenge yourself.

“So, for me, tingnan na lang ng mga tao ito as an opportunity para mag-improve and to forward their career.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bianca sa launch ng Daughter of the Sun and the Moon, ang children’s book nina Heart Evangelista at Rocio Olbes, noong October 8 sa Discovery Primea, Makati City.

FILMMAKING OR SCRIPTWRITING. Wala pa bang balak si Bianca na sumabak sa filmmaking o scriptwriting?

Saad niya, “Hindi naman ako nagdi-direct or nagsusulat ng script.

"Nag-graduate lang ako with a degree in film, pero hindi ko pa siya nagagamit as profession.

“Mas pinili ko munang mag-focus sa career ko in front of the camera.

“So, puwede naman actually.

"Marami nang nagpa-plant ng mga ideas sa akin na kung meron ba akong mga konsepto.

"Pero for now, I’m prepared to be on cam.

“If ever na kunwari show ko, at kakailanganin nila ng ideas, open ako palaging magbigay. Para tumulong.

"Hindi lang ako yung artista na basta babayaran na lang para um-appear.

“I always contribute behind the scenes para sa ikabubuti ng show.”

WANTED: A GOOD ROLE. Wala raw timetable si Bianca kung kailan siya babalik sa acting.

“Kapag gusto ko ang project, any time, I’m ready.

"Pero sa ngayon nga, pinapakiramdaman ko kung anong tamang project.

"Meron na rin akong mga hinindian.

“Sa three networks [ABS-CBN, GMA-7, and TV5], meron na rin naman akong naisip na parang this is not the right project for me.

"I wanna keep myself open muna. Baka may dumating na mas gusto ko."

So puwedeng bumalik si Bianca sa GMA?

Sagot niya, "Any time.

"Yun ang kagandahan naman na walang kontrata sa network. Kung sino ang may magandang project para sa iyo, [kukunin mo].

"Ako, it doesn’t matter kung extra, cameo, basta gusto ko siya, gagawin ko siya."

Wala ba sa isip niya na makipagkarera o makipagsabayan sa in-demand actresses?

Tugon ni Bianca, “Walang-wala na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang dami kong ginagawa para makipag-compete.

"Basta, gusto ko lang palaging busy.”

Kailan naisip ni Bianca na ayaw niyang ma-pressure o ma-stress?

“Sa totoo lang, noong na-realize ko siguro na parang... ano ba?

"It sounds funny, pero yung mga iniidolo kong mga artista, like sina Sarah Geronimo, Kim Chiu, I always say that hindi naman ako magiging kasing famous nila, e.

"For me, okey lang as an artist na I’m always working.

"Kaya nga noong nag-showbiz talk show host ako, updated ako lagi sa showbiz, pero hindi ako nasa level nila na weird na pag-usapan sila, mga ganun.

“Mas masaya, mas relax lang.

"Mas gusto kong inoobserbahan ko lang sila.

"I try to keep up with all the shows.

“I always watch good movies na local.

"Artist lang ako. I‘m enjoying my artistic side.”

Hindi kaya dahil mayaman na siya at can afford mamili ng trabaho?

Ani Bianca, “Sabi ko nga, gusto ko palaging busy para tuluy-tuloy ang flow ng trabaho, di ba?

"Kasi I blog also. A lot of my time is spent blogging.

"Kasi marami ring mga taong mahilig sa social media. A lot of work also comes from that.

“So, yung mga brands din ang nagpapatulong sa amin for exposure.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN