Irene Celebre relates unusual experience during an audition for Jay Altarejos's film

Irene Celebre, mother of Kapuso actor Gabby Eigenmann, on auditioning for indie film director Jay Alaterejos: "Habang ongoing ang auditions, inom nang inom si Jay ng wine. Niyaya niya ako na uminom pero tumanggi ako dahil oras ng trabaho. Ang nakakaasar lang, masyadong personal ang kanyang mga tanong, tungkol sa sex life at relationship ko. Pati ang relasyon namin ni Mark noon, tinatanong niya.”


Nakatanggap ng tawag sa telepono ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula kay Irene Celebre, ina ng Kapuso actor na si Gabby Eigenmann.

Nagkuwento ito tungkol sa karanasan niya sa ipinatawag noon na auditions ng direktor na si Jay Altarejos para sa indie movie na Saecula Saeculorum.

Ayon kay Irene, naganap ang auditions a few months ago sa clubhouse ng Golf Hills Terraces sa Quezon City.

1 P.M. daw ang calltime pero late na nang dumating si Jay.

Lahad ni Irene, “Walang aircon, walang ilaw sa venue nang dumating kami.

"Walang tubig, walang merienda, nothing at all.

"Nag-share na lang kami sa pagbili ng kakainin namin na pizza pie.

"Habang ongoing ang auditions, inom nang inom si Jay ng wine.

"Niyaya niya ako na uminom pero tumanggi ako dahil oras ng trabaho.

“Ang nakakaasar lang, masyadong personal ang kanyang mga tanong, tungkol sa sex life at relationship ko.

"Pati ang relasyon namin ni Mark noon, tinatanong niya.”

Ang tinutukoy na "Mark" ni Irene ay ang yumaong aktor na si Mark Gil, ang ama ng dalawa niyang anak na sina Gabby at Ira Eigenmann.

REENACTMENT. Ayon pa kay Irene, nagalit sa kanya si Altarejos dahil hindi siya nagwala sa hiniling ng direktor na reenactment ng pagbisita niya sa burol ni Mark nang pumanaw ito noong September 2014.

“I explained it to him, sabi ko sa kanya, ‘Direk, ang instruction mo sa akin, yung actual na ginawa ko nang dumating ako sa wake ni Mark.’

“I was there, I looked at his urn, umiyak ako, nagdasal ako.

"And I said to myself kung ano yung itinatago ko na sama ng loob and lumabas talaga yung hagulgol ko.

"Yun lang ang magagawa ko dahil iyon ang sinabi ni Direk.

“Nagalit siya sa akin, bakit hindi raw ako nagwala, nagsalita, nag-dialogue.

“Sabi ko, 'Direk, bakit ako magda-dialogue, e, hindi naman ‘yon ang ginawa ko during the wake?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lasing na lasing na siya nang mag-audition ako... I think nakadalawang bottle na siya ng wine.

"Pati si God, tinitira niya. Sabi niya, ‘I don’t believe in God!’

Nang tanungin ng PEP si Irene kung bakit itinuloy pa rin niya ang pagsali sa audition, sa kabila ng mga inasal ni Altarejos, sinabi niyang tiwala ang kanyang pinairal.

“Parang ano siya, naku-curious ako sa kanya.

"Una sa lahat, nag-trust ako sa kanya kasi meron siyang write-up na nanalo yung kanyang pelikula.

“Trust and yet ninenerbiyos.

"Curious and yet parang there’s something that’s not good.

“Dun pa lang sa feeling na direktor na nakainom at nag-audition sa mga talent, medyo it’s not good anymore.

“Ayaw rin ni Direk na tinanong mo kung magkano ang talent fee mo.

"Diyan daw mag-aaway ang mga talent, direktor, at saka producer."

Nagpapasalamat si Irene hindi natuloy na makasali siya sa project ni Altarejos dahil sa kanyang audition experience at sa nangyari sa aspiring actress na si Dalin Sarmiento.

Matatandaang nagreklamo si Dalin na, diumano, sinuntok siya sa tiyan at hinampas ni Altarejos sa braso para maging makatotohanan ang akting niya sa isang eksena ng Saecula Saeculorum.

Read: Newbie actress to file complaint against director Jay Altarejos for workplace violence

Ed's Note: Bukas ang PEP sa panig ni Jay Altarejos kaugnay ng mga pahayag na ito ni Irene Celebre.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN