Vice mayor candidate Andrea del Rosario posts fighting words against "bullies" in social media

Andrea del Rosario (center) counts among the many showbiz personalities who filed their Certificates of Candidacy in 2016 elections, and this early she is parrying virtual assaults from detractors in social media. She answers back with biblical quotes: “Leadership in our world is not a matter of fate but by the will of the Almighty, who raises one up and humbles another (Psalm 76:6-7)”


Ginulat ng former Viva Hot Babes member na si Andrea del Rosario ang marami dahil sa pag-file niya ng Certificate of Candidacy noong Martes, October 13.

Tatakbo siya bilang vice mayor ng Calatagan, Batangas, under Nationalists Party.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Andrea, via Facebook private messaging kahapon, October 14, sinabi nitong noon pa siya inalok na tumakbo sa Calatagan pero tumanggi muna siya.

Ang dahilan ni Andrea ay ang kanyang anak na si Bea, na kailangan pa ng atensiyon niya dahil sa sakit nito.

“I was invited three years ago, but Bea was still too young,

“I had to turn it down.

"Alam niyo naman ang naging kalagayan ng anak ko, Bea needed a lot of medical attention that time.

"Bilang ina, I wanted to be there for my daughter sa pagsubok na pinagdaanan namin.

“And I think nagtatapos pa ako ng Master's in Entrepreneurship sa Ateneo that time.

"But now, malaki na si Bea and she’s very healthy.

“I think nasa tamang panahon na para i-pursue ko na ang maglingkod sa probinsiya ng father ko,” sabi ni Andrea.

SHOWBIZ ON HOLD. Dahil sa pagpasok sa mundo ng pulitika, marami raw trabaho sa TV at pelikula na hindi na tinatanggap ni Andrea.

Gusto kasi niyang mag-concentrate sa kanyang kampanya at alamin ang mga problema ng probinsiyang paglilingkuran niya kung sakali.

“On hold na lahat ng showbiz commitments ko. I have been turning down shows, movies.

“Believe it or not, I've been going around Calatagan since last year.

“Maraming changes ang gusto naming mangyari sa lugar.

“I know so vague, but the three basic necessities in life that should be prioritized in any town are medical, education and tourism, and livelihood.

“Marami pa kaming kailangan gawin and malalaman pa nila ang mga pagbabago kapag nagsimula na ang campaign namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CYBERBULLIES. Ngayon pa lang daw ay nakakatanggap na ng mga pambu-bully si Andrea, hindi lang galing sa mga ordinaryong tao kundi pati na raw sa industriyang pinanggalingan niya.

Ito ang pinost ni Andrea sa kanyang Facebook account tungkol sa mga "bullies":

“Nakakalungkot mang isipin, but even in our own industry, may 'bully.'

“Pilit kang binababa. Kahit pilit mong iniimprove ang sarili mo, pilit ka pa rin nilang sinisira.

“Buti pala nakapag Colegio at nakapag Masters ako, Dahil kung Hindi, what do I say sa mga banat na--Ikaw ay 'artista LANG' o naging 'sexy symbol ka LANG.'

“How do I defend myself?

“It's funny, but I don't think that they would give this kind of branding to some of my contemporaries like Ara Mina, Assunta de Rossi or Rica Paralejo.

“Thank God now for social networking we have a voice, where everybody can respond, defend and express themselves.

“Anyway, I'm up for the challenge! Can't wait to prove everybody wrong!”

Pinost din ni Andrea ang isang verse mula sa Bible para sa taong pilit siyang pinababa:

“Leadership in our world is not a matter of fate but by the will of the Almighty ,who raises one up and humbles another (Psalm 76:6-7)”

Nagpasalamat pa si Andrea sa kanyang team dahil sa efforts na ipinapakita nito sa pagsuporta sa kanyang candidacy.

Nagpadala rin siya ng “good luck” message sa mga nag-file ng kanilang candidacy at gustong maglingkod sa bayan:

“Overwhelmed w all the help I'm getting as I go thru this journey. God works in mysterious ways!

“Thanks guys!

“To all the aspiring political candidates of our country, good luck! May God be with us n this journey.

“For even the son of man did not come to be served, but to SERVE, and to give His life a ransom for many. Mark 10:45

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Vote wisely.”

Huling napanood si Andrea sa teleserye na Pari ‘Koy ng GMA Network at sa pelikulang Felix Manalo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN