Barbie Forteza lists qualities of her ideal guy: "Gusto ko ng huggable... mabango... malinis ang kuko sa kamay, sa paa."

Barbie has just turned 18, and being in showbiz, she is often linked to her teen co-stars, a fact she takes lightly: "May mga nagpaparamdam na parang nag-o-OA na ako kaagad na, ‘Teka lang, teka lang, teka lang! Siguro wala pa akong nata-type-an, ang lala ko ba?”


Muling nilinaw ni Barbie Forteza na hindi siya niligawan ni Miguel Tangfelix, taliwas sa mga kumalat na balita.

“Hindi naman, hindi naman. Okay naman kami, stay put lang kami as friends,” sabi ng Kapuso actress.

May mga nanligaw na ba sa kanya nang seryosohan?

Natatawang sagot ni Barbie, “Baka hindi ko lang alam o baka hindi lang ako na-inform!

“Walang talagang dumiretso na, 'Liligawan kita,' ganyan.

“Pero may mga nagpaparamdam na parang nag-o- OA na ako kaagad na, 'Teka lang, teka lang, teka lang!'

“Tapos napa-paranoid ako hanggang sa sinasabi ko na, ‘Uy, pare!’

“Siguro wala pa akong nata-type-an... ang lala ko ba?”

Kaka-18 lang naman niya kaya siguro hindi pa siya sanay na maligawan.

“Baka nga,” sambit ni Barbie.

Nagpaalam na ba siya sa mga magulang niya kung puwede na siyang ligawan?

Sabi ni Barbie, “Yung nanay ko at tatay ko po, kahit nung hindi pa ako nag-e-eighteen, wala namang problema, may tiwala sila sa akin.”

Biniro namin si Barbie na baka ang mga magulang pa niya ang excited na maligawan na ang anak nilang dalaga.

“Feeling ko nga, magpapa-audition na sila, e!” tawa niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie sa taping ng The Half Sisters kamakailan.

DREAM GUY. Ano ang mas gusto niyang maging boyfriend—artista ba o hindi?

Sagot ni Barbie, “Walang kaso sa akin.

"Basta gusto ko lang ano, effort, at saka itutuluy-tuloy niya.

"Hindi yung pag natagalan siya kakaintay, gi-give up na siya.”

Physically, ano ang ideal guy para sa kanya, ma-abs at hunky?

“Ayoko ng abs! Gusto ko ng huggable.”

So, chubby na lalaki?

“Oo, gusto ko ng ganun, basta ayoko lang may abs. Gusto ko huggable.

“Tsaka dyuskupo, ang hirap kang hawakan pag may abs, parang ang dami nang umaaligid pag may abs yung dyowa mo.

“So, dun tayo sa safe lang!” tawa na naman ni Barbie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matangkad?

“Gusto ko ng matangkad, pero hindi naman ako maarte kung gaano katangkad.

“Gusto ko mabango, gusto ko kung kunyari malayo pa, alam ko nandiyan siya kasi naamoy ko na.

“O kaya nasa mall ako, may maaamoy ako na kaamoy niya, maaalala ko siya, yung ganun, gusto ko mabango.”

Si Andre Paras ba na kapareha niya sa The Half Sisters ay laging mabango?

“Wala akong naaamoy na pabango sa kanya, amoy siya laging bagong-ligo.”

Mas gusto ba niya ang moreno o mestizo?

“Wala ring kaso.

"Ayoko naman ng moreno na mayabang, baka kasi guwapo na moreno tapos mayabang.

“Ayoko rin naman ng tisoy na sa sobrang katisuyan, e, natalo na ako, gusto ko sakto lang.

“Kahit tisoy, kahit moreno, gusto ko malinis ang kuko sa kamay, sa paa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN