Bobby Andrews says MTRCB has made a decision on alleged "pimping" of Pastillas Girl

Ayaw idetalye ni Bobby Andrews, chairman ng Gender and Development Committee ng MTRCB, ang nangyari sa meeting nila kasama ang pamunuan ng It's Showtime. Pero nagkaroon na raw ng kasunduan ang dalawang kampo tungkol sa reklamong inihain ng Gabriela sa diumano'y pambubugaw kay Pastillas Girl o Angelica Jane Yap sa segment ng show na "Nasaan Ka, Mr. Pastillas?"


Medyo pormal ang pananamit ni Bobby Andrews nang humarap siya sa press kahapon, October 13.

Galing daw kasi siya sa MTRCB hearing tungkol sa reklamong inihain ng Gabriela laban sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime dahil sa diumano'y ‘pambubugaw’ o pimping ng programa kay Pastillas Girl.

Read: MTRCB summons It’s Showtime execs over feedback against "Pastillas Girl" segment

Si Bobby ay board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Siya ang tumatayong chairman ng Gender and Development (GAD) Committee ng ahensiya.

Atm:Chair Toto addresses gender-sensitivity concerns pertaining to the program "It's Showtime." pic.twitter.com/EuIFHTZTxZ

— MTRCB (@MTRCBgov) October 13, 2015

Pero ayaw munang magbigay ng detalye ng aktor tungkol sa naging resulta ng hearing.

Hintayin na lang daw maglabas ng official statement si MTRCB Chairman Toto Villareal tungkol sa kanilang napag-usapan.

Pero sa kanyang sariling pananaw, ano ang masasabi niya kay Pastillas Girl?

Ayon kay Bobby, “Personally, from all TV shows, mga dating games, it’s been done before.

"So, I guess it’s just the matter of how people interpret what’s happening during the program."

Ano ang masasabi niya tungkol sa "pambubugaw" na diumano'y nangyayari sa live broadcast ng It's Showtime, kung saan hinahanap ni Pastillas Girl (Angelica Jane Yap) ang kanyang susunod na magiging boyfriend?

Sabi ni Bobby, “Mahirap 'yan, e. Kasi, how do you define it, di ba?

"Actually, that’s an exchange of services for monetary consideration.

"E, wala namang ganung nangyayari. Sa akin lang yun.”

Mahigpit na ring itinanggi ng pamunuan ng programa ang naging akusasyon ng Gabriela.

Read: It’s Showtime cries foul over accusation that they are “pimping” Pastillas Girl

Dahil din sa naturang segment ng It’s Showtime, na-bash nang husto si Angelica dahil bakit daw ito naghahanap ng bagong pag-ibig sa TV.

Pero pinalagan din agad ito ni Angelica sa isang episode ng show.

Read: ‘Pastillas Girl' cries over bashers and hate messages: “Hindi po ako perpektong tao, nagkakamali rin po ako…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkakaroon pa ba ng ikalawang pagdinig tungkol dito?

Ayon kay Bobby, “With the way things went kanina, wala na. Okay na siya.

"Kasi, di ba ngayon ang MTRCB, ngayon ay best practices na siya.

"Hindi na yung kaso-kaso, kasi wala namang nari-resolve, e.

"At least, this way, all parties can say their sides.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bobby sa pocket presscon para sa Season 2 ng Buena Familia kahapon, October 13, sa 17th floor ng GMA Network Center.

BASHERS DURING THEIR PRIME. Speaking of bashers, ayon kay Bobby, may mga bashers na rin noong panahong namamayagpag ang teen-oriented show nilang T.G.I.S. (Thank God It’s Sabado).

Ito ang panahong sikat na sikat ang tambalan nina Bobby at Angelu de Leon.

Sabi ni Bobby, “Oh, yeah, during that time, you could say na suwerte kami kasi wala pang social media.

"Kasi, before, ang bashers namin puro sulat, snail mail.

"So, hindi rin namin napapansin masyado."

Sino ba ang mas pasaway—ang mga artista ngayon o noon?

Natatawang sabi ni Bobby, “Mas pasaway kami noon!

"The young ones now are more professional compared to before, kasi may mga network mandates na.

"Dati, wala namang pakialam ang network kasi hindi naman station-produced, e.

"So, yung naninita sa amin, Viva [T.G.I.S. producer].

“E, ngayon ang bilis na, e.

"Pag pasaway ang isang artista, patay!

"Kesehodang bida o hindi, wala kang show.

“So, you really feel the repercussions of your actions, that’s all.

"Now, well, it’s a joy to work now with new talents dahil alam na nila ang pinapasukan nila.

"Can you imagine, it’s so difficult now for a new artist to come in.

"Kasi ang dami, e, grabe ang competition, tapos mag-a-attitude?

"Tapos ilang reality shows para ma-discover lang."

 

 

BUENA FAMILIA. Samantala, excited at masaya si Bobby na mai-extend ng isang season ang Buena Familia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually itong Buena Familia ay one season lang, e.

"E, since maganda naman yung ratings, maganda yung takbo ng story, nadesisyunan ng management na i-extend ito ng another season.

“Ang Buena Familia ay hindi literally Buena, Buena kasi ang apelyido namin.

"Ako yung padre de pamilya na nakulong dahil sa pyramiding scam.

“Naghirap tapos nagkahiwa-hiwalay ang pamilya.

“Tapos ang daming nadagdag sa cast kasi pumasok si Dino Guevarra, Michael Flores...

"Parang yung iba nga, sinasabing T.G.I.S. reunion."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN