Nanette Inventor reveals how OTWOL co-stars Albie Casiño and James Reid handle emotional scenes

Nanette Inventor on Albie Casiño: "He’s an intense actor the way I look at it. I would even say that the thing that makes him effective is because he’s gone through a lot of emotional upheavals."


“He is an intense actor.”

Ganito inilarawan ng veteran actress-singer na si Nanette Inventor ang gumaganap na apo niya sa primetime series na On The Wings of Love (OTWOL) na si Albie Casiño.

Masayang nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nanette noong Martes, October 13, sa Italiannis, TriNoma Mall, Quezon City.

Si Nanette o si Lola Pachang sa OTWOL ay nagbuking ng ilang kuwento tungkol sa mga gumaganap na mga apo niyang sina Albie (as Jigs) at James Reid (as Clark).

Mas madalas daw niyang makasama si Albie, 22, kaya naman napansin niya agad ang pagiging malalim na tao nito.

Kuwento ni Nanette, “Wala pa kaming eksenang umiyak kaming dalawa ni Albie, e.

“Ako ang umiiyak dahil sa ugali niya na bully.

“E, I know naman where he is coming from and why he feels that way.

“Because he feels like he was abandoned by the mother, then here comes Lea [Nadine Lustre].

"Parang he does not belong anywhere, ganun, so madali siyang ma-motivate."

Nabanggit din ni Nanette na sa palagay niya ay malaki ang naging epekto ng karanasan ni Albie sa dati nitong pakikipagrelasyon.

Aniya, “Siguro madali rin sa kanya dahil sa nangyari sa kanila ni whoever…

“Kasi I am out of touch with the young actors, e.

“At saka siya, si Albie, we used to be together in a tent pag nag-aantay kami ng cue namin.

“He would talk about deep things, hindi siya shallow na tao.

"And yung pagka-deep things niya, it’s all hurt, but he’s very happy with his family.

“But I think it’s really his experience.

"But he’s moved on, yun ang maganda.

“Siguro ‘yan yun, but I am not sure kung saan siya humuhugot or what.

"But I have a feeling, baka doon."

Sinabi rin ni Nanette na masayang-masaya si Albie sa takbo ng career niya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But right now, he’s very happy that he was given a second chance.

"Basta nag-move on na siya and he’s very, very, extremely happy for what’s happening to his career."

Kaya naman bilib si Nanette dahil effective ang role ni Albie bilang Jigs sa OTWOL at binansagan na siyang "Pambansang Bully" ngayon.

“Si Albie, he’s an intense actor the way I look at it.

"I would even say that the thing that makes him effective is because he’s gone through a lot of emotional upheavals," sabi pa ng actress-comedienne.



JAMES REID. Sa kabilang banda, ibinahagi naman ni Nanette ang paghugot ni James sa mga eksena nila.

“Every time we have a crying scene together, James would take a while to [cry].

“Minsan sasabihin niya, ‘How do you do it? This is our take 7, our take 5, this is our take 4. Why every time we take, it only takes this and then you’re crying na?’

“'Didn’t you have a workshop,’ I said.

“'You have to draw from experience of being sad or the saddest part of your life that you remember.'"

Sinagot daw siya ni James ng: "I’ve never been sad. I’ve always been very happy."

“I asked, 'Are you sure? Maybe somebody got your ball or your favorite dog or something like that?'"

Sagot daw ulit ni James: “It did not happen to me.”

“Oh my god! You must be a phenomenon, you didn’t go through some loneliness in your life? That’s not normal!

“Try it again!”

Patuloy ng singer-comedienne, “Mahirap talaga sa kanya ang mag-iyak.

Kaya sa eksena sinasabihan niya si James na umiyak: “Do it! Lola is telling you to do it. I am the one telling you to do it.

“Let’s say I am very angry with you because you did something wrong, that’s why you have to cry, okay?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sasagot lang daw si James ng: ‘Okay, okay."

"Tapos nun, iiyak na siya, ganun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN