Pia Wurtzbach not worried about Q&A portion of Miss Universe: “The harder part of the preparation was to get myself fit…”

Miss Universe-Philippines 2015 Pia Wurtzbach says the pageant might coincide with the wedding of her best friend Pauleen Luna and Vic Sotto.


Wala pang eksaktong detalye kung saan at kailan gaganapin ang Miss Universe 2015 beauty pageant, pero sinabi ni Miss Universe-Philippines Pia Wurtzbach na malaki ang posibilidad na magaganap ito bago matapos ang taon.

“There’s still no official word yet from Miss Universe [organization] on when or where is the pageant going to be, but definitely it is pushing through…

"It looks like it’s going to happen this year, at the end of the year, but wala pang definite date and venue."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Pia nitong Miyerkules, October 14, sa send-off presscon para kay Janicel Lubina, ang pambato ng Pilipinas sa Miss International pageant na gaganapin naman sa Japan nitong November.

Samantala, puspusan din ang paghahanda ni Pia para sa Miss Universe, lalo pa’t kilala ang Pilipinas na pageant country o mahilig sa mga beauty pageant.

Tinanong ng PEP si Pia kung gaano ba siya kahanda sa question-and-answer portion, na sinasabing pinakamahirap na bahagi ng Miss Universe.

Sagot niya, “I love being asked questions.

"So, I guess the harder part of the preparation for me was to get myself fit in the gym and fix my diet. That was harder.

“But with the Q and A, I keep myself informed with what’s happening everywhere.

“You know, this [pageant] is not rocket science.

"First of all, it’s a beauty pageant, so relax lang.

"But I keep myself informed. I’ve been doing my homework.

"I have my opinions on some things.

“There’s still a long way to go until Miss Universe, so a lot can change and a lot of things can happen pa at the end of the year.

“Nagbabasa-basa naman ako.

"Pero ang number one na dapat mong kilalanin, ang sarili mo, e.

“Kasi mamaya, hindi naman ang itinanong current events, parang ang itinanong sa 'yo, ‘So what makes you happy?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun ang mga mahirap sagutin kasi, ‘Oo nga naman, what makes me happy nga naman?’

"Now, you have to go to the core.

“Parang you’ve been studying people around you for so long but you forgot about yourself.

"So, it’s important that you don’t get detached to become a robot."

PAULEEN WEDDING. Samantala, masayang-masaya naman si Pia para sa kanyang matalik na kaibigang si Pauleen Luna na malapit nang ikasal sa veteran comedian-TV host na si Vic Sotto.

Pagbubunyag ni Pia, bridesmaid siya sa kasal ni Pauleen, at first time ito para sa kanya.

Napag-usapan na rin daw nilang magkaibigan na posibleng baka magsabay ang kasal at ang Miss Universe pageant.

At kung hindi man makadalo si Pia, naniniwala siyang mauunawaan ito ni Pauleen.

Pero sa isang panayam ay kinumpirma na ni Pauleen na sa January 2016 magaganap ang kasal nila ni Vic.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN