Janicel Lubina bent on winning Miss International: "Kahit gaano kaganda yung kalaban ko, I know kaya ko silang lahat."

Binibining Pilipinas-International 2015 feels pressured to win the Miss International title after the recent win of Ann Lorraine Colis as Miss Globe 2015.


Inamin ni Bb. Pilipinas-International 2015 Janicel Lubina na mas nakaramdam siya ng pressure pagkatapos manalo ng ka-batch niyang si Ann Lorraine Colis sa Miss Globe 2015.

“Nung nanalo si Ann, parang naalarma ako, 'I have to do this, I have to do that.'

"Yung determination ko kailangan kong doblehin.

"Talagang na-motivate ako nung manalo si Ann," sabi ni Janicel sa send-off presscon para sa kanya na ginanap sa Gateway Mall, Quezon City, nitong Miyerkules, October 14.

Lilipad patungong Japan si Janicel para sa 2015 Miss International pageant na gaganapin sa November 5.

During the Binibining Pilipinas pageant, umugong ang pangalan ni Janicel dahil sa kanyang “humble beginnings”—isang probinsiyana mula sa Palawan na pumasok bilang kasambahay at naabot ang pangarap na maging beauty queen.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang beauty queen kung saan siya magpo-focus sa natitirang oras niya para mag-prepare sa pageant.

Sagot niya, “Siguro yung mindset kasi, sometimes I cry when I see the pictures of the other candidates [in Miss International]."

Ibinahagi ng beauty queen na sinasabihan siya ng ilang tao sa social media na wala siyang laban sa mga ibang kandidata sa pageant.

“They told me, ‘You’re not gonna win. They are more beautiful than you.’

"And I don’t believe in that.

"I know myself, I know my capacity.

“Kahit gaano kaganda yung kalaban ko, ang dami ko nang sinalihang pageant, and I know kaya ko silang lahat.”

Dagdag pa ni Janicel, “Yung sa social media, di maiiwasan na may mga basher ka.

"I cry but I use that as a motivation. Hindi ako pinanghihinaan ng loob.

"Of course, it hurts.

"But then, talagang 'No, hindi ako ganito. Heto ako. Antayin niyo ako.'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN