Ruru Madrid fulfills dream of being paired with ultimate crush Solenn Heussaff

Ruru Madrid describes his reaction upon learning Solenn Heussaff is his partner in Karelasyon: "Nag-ano talaga yung mata ko, nagliwanag! Parang hindi ako makapaniwala. Sinasampal ko yung mukha ko. Nananaginip ba ako?”


Matindi ang crush ni Ruru Madrid kay Solenn Heussaff.

Napag-alaman ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang nakausap namin ang binata sa taping ng The Half Sisters sa Tivoli Royale clubhouse kamakailan.

Dream come true para kay Ruru ang makasama si Solenn sa recent episode ng drama anthology Karelasyon.

“Ni-request ko po yun,” pag-amin ni Ruru.

May espesyal pa siyang ipinakiusap sa GMA Network.

“Sana po, bago man lang ikasal si Solenn, maka-partner ko po siya.”

After two weeks, natanggap ni Ruru ang magandang balita: si Solenn ang partner niya sa Karelasyon.

Kuwento ni Ruru, “Nag-ano talaga yung mata ko, nagliwanag!

"Parang hindi ako makapaniwala, sinasampal ko yung mukha ko. Nananaginip ba ako?”

Mangingisda ang papel ni Ruru at sirena naman si Solenn sa nasabing episode ng Karelasyon na ipinalabas noong Sabado, October 10.

Kaswal naman daw si Solenn during the taping.

Saad ni Ruru, “Kasi pag nagkakasama naman kami, lagi kaming nag-uusap.

“Nagkasama na kami sa Taste Buddies. Tapos sa Bench, palagi kaming magkausap.

“Lagi ko siyang inaasar na, ‘Sana magka-partner tayo.’

“Sabi niya, ‘Oo nga, e. Sige, ire-request ko 'yan.’"

KISSING SCENES. May kissing scenes sina Solenn at Ruru sa Karelasyon, kaya hindi makapaniwala ang young actor sa suwerte niya.

“Binabasa ko pa lang yung script, sabi ko, ‘Totoo ba ito?’

“Yung kiss namin, e, nasa dagat kami, so lumulubog-lubog. Mahirap.

“Tapos sabi ni Solenn, ‘Ay, Direk, parang awkward po yun!’

“Kaya naisip ko [na sabihin], ‘Isa pa, isa pa, isa pa!’

“Kaya sabi ko talaga kay Direk Adolf [Alix], ‘Direk, awkward po yun. Ulitin natin yun!’

“Sabi ni Direk Adolf, ‘Hindi, okay na yun.’

“Hindi na inulit.

“Pero okay naman po. At least marami namang kissing scenes, e... mga tatlo o apat!” at tumawa si Ruru.

Dahil nasa tubig sila ni Solenn, wala bang naramdamang kakaiba si Ruru?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi, kahit po nasa tubig!” at tumawa muli si Ruru.

TEXT MESSAGES. Pagkatapos ng taping nila, nag-text daw si Ruru kay Solenn.

“Sabi ko, “Hi. Sos, sorry. Hindi na ako nakapag-bye-bye sa iyo.’

“Kasi pagod din, ganyan. Sabi niya, ‘Ako nga din hindi ako nakapag-bye-bye, e.’

“E, magkikita kami sa Bench noon.

“Sabi niya, ‘See you later, baby!’

“Sabi ko sa sarili ko, ‘Bine-baby ako nito, ha!

“'Akala mo hindi ako aano, ha,’” ang kilig na kilig pang kuwento ni Ruru.

“Tapos, sabi pa niya sa akin, 'Alam mo, mas malapit pa yung edad ko sa edad ng tatay mo kesa sa iyo!’

“Thirty na siya [Solenn], e. Ako 17.

"Tatay ko 40, so mas malapit nga,” pag-amin ni Ruru.

Alam naman daw ni Solenn na crush siya ni Ruru.

Sabi ng Kapuso young actor, “Alam niya. Kasi pag nagpu-post ako, kunyari nag-caption ako ng ‘Where are you now?’

“Tapos nag-selfie lang ako. Bigla siyang magko-comment ng, ‘I’m here, baby.’

“Meron siyang ganun. Tapos lagi niyang nila-like yung mga photos ko.”

May insidente pa raw sa taping ng Karelasyon kung saan gustong tanggalin ni Solenn ang props na tumatakip sa dibdib niya dahil lagi itong nalalaglag.

Sabi daw ni Ruru sa sarili, “Huwag, huwag dito. Baka hindi ko kayanin!’”

Okay lang din daw kay Gabbi Garcia, ka-loveteam at rumored special someone ni Ruru, na crush niya si Solenn.

NO MALICE. Aware si Ruru na engaged na si Solenn kay Nicco Bolzico.

Kaya alam niyang walang malisya sa kanya si Solenn at nakikipagbiruan lang ito.

Hindi pa raw na-meet ni Ruru si Nicco.

“Wala akong balak, baka mamaya bugbugin ako!”at muling tumawa si Ruru.

Dagdag niya, “Pero sabi naman po ni Solenn mabait naman daw po, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN