Kris Aquino hints her MMFF movie might push through

Sa kanyang Instagram account ay nagbigay ng pahiwatig ang Queen of All Media si Kris Aquino na posibleng matuloy ang paggawa niya ng Metro Manila Film Festival entry, matapos niyang ianunsiyo kamakailan na nag-backout na siya.


Makahulugan ang post ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account nitong Miyerkules, October 14, na may kinalaman sa kanyang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na All You Need Is Pag-ibig.

Kamakailan, naibalita ang pag-pull out ni Kris sa nasabing pelikula dahil hindi naibigay ang kanyang kahilingang makatrabaho sana ang director of photography na si Neil Daza, dahil hindi magtugma ang schedule nila.

Sinabi ni Kris na sa istorya ay siya ang babaeng laging hindi pinipili at laging iniiwan, na aniya ay personal dahil may kaugnayan ito sa totoong buhay.

Kaya naman hiling na lang niya ay ang makatrabaho ang cinematographer na pinili niya upang maalagaan ang kanyang mga eksena.

Read: Kris Aquino clarifies her decision to pull out of MMFF movie has nothing to do with Mayor Herbert Bautista

Makakatambal dapat ni Kris sa pelikula si Quezon City Mayor Herbert Bautista; at makakasama rin sina Xian Lim at Kim Chiu.

Sa kanyang Instagram kahapon, ipinost ni Kris ang isang larawan kasama ang kanyang mga katrabaho at kaibigan; kagaya ni Kriz Gazmen, na siyang creative writer ng All You Need Is Pag-ibig.

Ayon sa caption ni Kris, katatapos lang ng isang presentation sa kanya tungkol sa isang proyekto, kagaya ng pagkakaroon ng magandang cast at ang titulo nga ng MMFF entry.

Bahagi ng caption: “Just finished a brilliant presentation from @krizgazmen! Thank You God for putting everything into place w/ a positive,#LoveLoveLove cast!”

Ginamit ng actress-host ang mga hashtags na #WhatsMeantToBeWillAlwaysFindAWay #NoNegativity #BeautifulCast #AllYouNeedIsPagibig.

Nagkomento naman ang ilang followers niya na masaya silang matutuloy ang MMFF movie ni Kris.

Sinagot din ni Kris ang ilang comments, kagaya ng tanong kung makakasama pa rin sina Xian at Kim sa pelikula at sentimyento ng iba na nalungkot na hindi na makakasama sa pelikula si Mayor Herbert.

Sabi ni Kris, ayaw niyang ma-preempt ang Star Cinema sa pagdi-disclose kung makakasama ba sina Kim at Xian sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinagot din ng TV host-actress ang komento ng isang netizen na malulungkot ang iba na hindi sila magsasama ni Herbert sa pelikula.

Ani Kris, tila ang nag-comment ang siyang nag-iisang nalulungkot sa hindi na nila pagtatambal ni Mayor Herbert.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN