Lani Mercado, Roderick Paulate, Angelica Jones file COCs for 2016 elections

During her filing of candidacy, Rep. Lani Mercado got emotional due to her husband Senator Bong Revilla's absence. Senator Bong is currently detained at PNP Custodial Center due to his ongoing plunder case.


Patuloy ang paghahain ng kandidatura ng ilang showbiz personalities sa Commission on Elections (COMELEC).

Kabilang na rito si Cavite Representative Lani Mercado, na naging emosyunal dahil hindi niya kasamang naghain ng certificate of candidacy (COC) ang mister na si Senator Bong Revilla.

Ito ay sa kadahilanang kasalukuyang naka-detain si Senator Bong sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center dahil sa kasong plunder.

Kakandidato si Lani bilang alkalde ng Bacoor City sa 2016 elections.

Naghain na rin ng COC si reelectionist Quezon City Second District Councilor Roderick Paulate kahapon, October 14.

Samantala, ang dating beauty queen na si Daisy Reyes ay desididong sumabak ng pulitika.

Naghain siya ng kanyang kandidatura sa pagka-alkalde sa Pateros, Rizal.

Maging ang singer at dating Camarines Sur Vice Governor na si Imelda Papin ay nakapagsumite na ng COC bilang Camarines Sur fourth district representative para sa 2016 elections.

Kakandidato naman muli sa pagka-konsehal sa Manila ang dating aktor at reelectionist na si Robert Ortega.

Ngayong Huwebes, October 15, kabilang sa showbiz personalities na naghain ng COC ang dating sexy star na si Angelica Jones.

Si Angelica ay incumbent Laguna board member at kakandidato bilang bise gobernador ng naturang lalawigan para sa 2016 elections.

Nakapaghain na rin ng kandidatura ang singer na si Rico J. Puno para sa pagka-konsehal sa Makati City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN