Senator Grace Poe files COC, proof of Filipino citizenship

Senator Grace Poe files COC together with running mate Senator Chiz Escudero at COMELEC this Thursday, October 15.


Pormal nang naghain si Senator Grace Poe ng kanyang kandidatura bilang presidente sa Commission on Elections ngayong Huwebes, October 15.

Ito ay sa kabila ng kinahaharap niyang disqualification case sa Senate Electoral Tribunal, na nagsimulang dinggin noong September 21.

Kaugnay ito pagkuwestiyon sa citizenship ni Senator Grace noong kumandidato siya sa Senado noong 2013 elections.

Taliwas ito sa “affidavit affirming renunciation of U.S. citizenship” na isinumite ng senadora kalakip ng kanyang COC para sa 2016 elections.

Dito ay nakasaad na pinanumpaan ni Senator Grace ang pagkamit niya ng “natural-born Filipino” sa ilalim ng Republika ng Pilipinas noong July 7, 2006.

Nasundan ito ng kanyang pagsumite ng “Affidavit of Renunciation of Allegiance to the United States of America and Renunciation of American Citizenship” noong October 20, 2010.

Sabi pa ni Senator Grace, base sa naturang dokumento: “I understand that upon taking these two oaths, neither of which have been recanted, I became qualified for both appointive and elective public office in the Philippines, pursuant to Sections 5(2) and 5 (3) of R.A. 9225.”

Sen. Grace Poe attaches affidavit of renunciation of US citizenship to COC. #Eleksyon2016 via @Joseph_Morong pic.twitter.com/xasmoFiNjR

— GMA News (@gmanews) October 15, 2015

Kasabay ni Senator Grace na nagsumite ng COC si Senator Francis “Chiz” Escudero, na tatakbo bilang bise presidente para sa 2016 elections.

Kasama ni Senator Grace ang kanyang ina na si Susan Roces, habang si Senator Chiz ay namataang kasama ang misis niyang si Heart Evangelista.

Kasama ni Sen. @sengracepoe ang kanyang ina na si Susan Roces at si Heart naman ang kasama ni Sen. @SayChiz. pic.twitter.com/nMAWhUQH4l

— DZBB Super Radyo (@dzbb) October 15, 2015

Nakatakdang ihayag ng tambalan nina Senator Grace at Senator Chiz ang kanilang senatorial slate sa susunod na linggo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN