Maja Salvador on her MOA Arena concert: “Mapuno man o hindi man ganun mapuno, sobrang i-enjoy ko yung night na yun.”

Sabi ni Maja Salvador, isa sa pinakamalaking regalo sa kanyang ika-10 taon sa showbiz ay ang nalalapit niyang MAJAsty concert sa Mall of Asia Arena. Excited daw siya dahil maibahagi niya sa lahat ng mga manonood ang kanyang angking talento sa pagpa-perform.


Ngayon pa lang ay ayaw nang i-entertain ni Maja Salvador ang mga negatibong komento tungkol sa major concert niya na gaganapin sa MOA Arena sa November 13, ang MAJAsty.

Gusto raw ng Kapamilya star ay positive vibes lang palagi ang mamamayani sa kanyang paligid.

Kumakalat na kasi sa social media ang mga namba-bash kung ganun na raw ba kasikat si Maja at magku-concert na siya sa MOA Arena.

Ang iba naman ay duda kung kaya ba niyang punuin ang venue.

Sabi ni Maja, “A, dinadaan ko po talaga sa dasal.

“Siyempre, ano po yun, e, parang ang gusto ko lang isipin sa gabing yun—mapuno man o hindi man ganun mapuno—sobrang i-enjoy ko yung night na yun.

“Kasi, parang yun yung araw na kung ano yung talentong ibinigay sa akin ng Diyos ay isi-share ko sa mga taong nandun, na nagtiwala dahil bumili sila ng tickets, di ba?

“So, bakit ko sasayangin ang oras at pera na pinambili nila ng tickets?

“So, tuloy pa rin kahit anong mangyari.”

Nagkataon namang Friday the 13th ang November 13, kung saan may mangilan-ngilang naniniwalang malas ang petsa at araw na ito.

Pero buwelta ni Maja, "Wala po akong ganun. Baka ako ang magpabago ng Friday the 13th."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Maja sa presscon ng MAJAsty, ngayong Huwebes ng tanghali, October 15, sa 14th floor ng ELJ Building, ABS-CBN, Quezon City.

Ang MAJAsty ang pinakamalaking concert na gagawin ni Maja.

Kabilang sa mga kumpirmadong guests sa concert niya ay sina Paulo Avelino, Enchong Dee, JC de Vera, Enrique Gil, Kakai Bautista, Rayver Cruz, at Piolo Pascual.



BASHERS. Ano ang pinakamasakit na salitang naibato na sa kanya ng bashers noon pa man?

Sagot ng actress-dancer, “Marami, e... Malandi, maharot, may homewrecker pa. May mistress, mang-aagaw... lahat ‘yan.

“Madikit ka lang, ka-close mo lang, kaibigan mo lang, ‘Ay, malandi, maharot!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ano, yun nga yung sinasabi ko, as long as hindi ako maapektuhan.

"Kasi matatakot ako na parang tatanungin ko sarili ko, ‘Ay, ganun ba ako?’

“Dun na ako kakabahan kasi, ‘Ay, teka lang, Maja, tingnan mo din yung actions mo kung may ganun ka nga.’

"Dun ako matatakot kung magtatanong na ako sa sarili ko.

"Pero hindi, e, alam ko naman ang mga relationships ko sa mga taong binibigyan nila ng malisya. So, yun.

“Minsan, kailangan din nating mas lawakan yung pag-iisip talaga.

"Pero siyempre, yun nga, kailangan mong tanggapin na hindi lahat ng tao magugustuhan ka.

"Buti na lang, pahabaan ng pasensiya, ang haba pa rin ng akin.”



TEXTMATE. Ayon kay Maja, halos natupad na ang kanyang mga pangarap bilang artista.

Kaya naman sa tanong kung ano pa ang kulang sa kanya, diretsong sinagot ng tinaguriang Queen of the Dance Floor na "pag-ibig" ang kulang sa kanyang buhay ngayon.

Natatawa niyang paliwanag, “Totoo naman! Okay lang.

"Masayang-masaya naman po ako kahit wala yun.

“Dun ko napapatunayan na [hindi kailangan ng lalaki] para masaya ka.”

Ang huling nakarelasyon ni Maja ay si Gerald Anderson, kung saan naghiwalay sila matapos ang lagpas dalawang taon.

Read: Gerald Anderson and Maja Salvador “taking a break” from their relationship

Ano ba ang mga traits o ugali na hinahanap niya sa kanyang magiging susunod na boyfriend?

Sagot ni Maja, “Hinahanap? Wala, basta mapagmahal lang siya at marespeto. At saka, yun naman ang importante.”

Sa ngayon naman daw ay mayroon nang bagong nagpaparamdam sa kanya.

Pero nananatiling mailap si Maja sa identity ng naturang lalaki.

Constant textmate daw niya ito sa ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN