Benjamin Alves happy about fellow Kapuso star Alden Richards’s success

Benjamin Alves on working with seasoned actors in Beautiful Strangers: "I was overwhelmed. And it’s so nice rin na makita ka ng mga seasoned actors as a colleague."


Gaya ng ibang Kapuso stars, masaya si Benjamin Alves sa tagumpay na tinatamasa ngayon ni Alden Richards.

Saad ng Beautiful Strangers actor, “Yeah, that’s good! Sobra, I’m happy.

“He’s one of the good guys.

"We’re not that super close but when we see each other—well, I think we never really worked in a soap. Sa regional oo, pero sa soap, hindi pa.

“Pero I always hear good things about him and from my personal experiences, yeah. "

Dagdag ni Benjamin, “Yung mga ganun kasi, you never hear any negative thing.

"Kapag sinabi nilang hindi yumabang, naniniwala ka naman kasi. Nakikita mo naman sa aura ng tao.

“And then si Maine [Mendoza, the other half ng AlDub love team], sobrang charming niya."

Napapanood na ba ni Benjamin ang AlDub Kalyeserye sa Eat Bulaga?

“Oo, kapag napupunta ako ng GMA, lahat, yun ang pinapanood, e.”

Hindi ba naiinggit or nai-insecure si Benjamin kay Alden?

Sagot ni Benjamin, “No, kasi, iba-iba naman. And the timing also is very different, di ba?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Benjamin sa taping ng Beautiful Strangers kamakailan.



BEAUTIFUL STRANGERS. Kasama si Benjamin sa cast ng GMA primetime series na Beautiful Strangers, kung saan siya ang gumaganap na asawa ng karakter ni Lovi Poe.

Hindi ba nailang si Benjamin na nasa tabi o nasa same set ang totoong boyfriend ni Lovi na si Rocco Nacino?

Sagot niya, “Hindi, pinagtatawanan namin siya sa eksena palagi.

“Yung awkwardness ng eksena, kasi nga, palagi akong nakaakbay kay Lovi. Nakakatawa lang kasi.

“Wala, wala talaga, pinagtatawanan lang namin.”

“Actually, it’s more weird with Heart [Evangelista], Rocco, and Lovi.”

May kissing scenes sina Heart at Rocco dahil love interest ng aktres ang boyfriend ng kaibigan niya sa totoong buhay na si Lovi.

Pahayag pa ni Benjamin, “Pero siguro we’re at this age naman na we’re older. Hindi kami nadadala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung madala man kami sa eksena, after ng cut, wala na.

"Hindi na yung nagli-linger pa na naiisip ko si Lovi or whatever.

“Siguro it’s how mature we are. Hindi naman na kami teenager.

"And we talk every day.

“Kami ni Rocco, Lovi, and Heart, we talk every day at saka sobrang bigat ng mga eksena.

“Every scene, we’re crying.”

CHRISTOPHER DE LEON AND DINA BONNEVIE. Dito rin nagkaroon ng pagkakataon si Benjamin na makatrabaho ang ilan sa mga mahuhusay na aktor, tulad nina Christopher de Leon at Dina Bonnevie.

Mga magulang ni Benjamin sina Christopher at Dina sa teleserye.

Kumusta sina Benjamin at Dina, lalo na kapag off-cam sila?

Ayon sa Kapuso actor, “Okey kami, nanay na nanay.

"The first time I cried in the scene was with Ms. D [Dina] kasi naaalala ko talaga ang nanay ko sa kanya."

Bakit niya naalala ni Benjamin ang totoo niyang ina?

“Maalaga si Ms. D, e. She always talks about cooking.

"Even si Ms. Lovely [Rivero] also.

"It’s so nice to have them on the set. Very maternal and since I have no mom here."

Nasa Guam ang ina ni Benjamin.

Kuwento pa ng aktor, “Nakakatuwa nga when they announced who’s my mom in the show. I was overwhelmed.

"And it’s so nice rin na makita ka ng mga seasoned actors as a colleague."

Maganda rin daw ang karanasan ni Benjamin kay Christopher sa set.

“Ganoon din po yung experience. Ganoon din po ang pakiramdam.

“In any case, never naman po silang nagbigay ng impression na ‘Mas seasoned ako’ or whatever.

“Parang sa akin lang din po, makatrabaho ko si Tito Boyet [Christopher] na, 'Grabe, makakaeksena ko si Tito Boyet!'

“Buti na lang din po, yung pakiramdam na yun, nararamdaman ko after.

"Dahil kung before the eksena, baka hindi ko magawa yung scene."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RUNAWAY BRIDE. Ayaw raw maranasan ni Benjamin ang isang eksena sa serye kung saan nag-runaway bride sa kanya si Lovi.

“Ang bigat, ang bigat!

“Hindi ko pa nararanasan sa totoong buhay. It never happened.

"Pero yung rejection na ganun, mabigat, mabigat. Nakakapagod."

Dugtong niya, “Yung mahirap actually sa character, if in real life, magulang mo pa rin sila.

“And then, you have to choose between the woman you love and your parents na malalaman mo, magkasabwat dun sa crime.

"Pero, yun nga, they’re still your parents.

“So, ang hirap.

"Sana sa totoong buhay, hindi ko yun maranasan. Parang hindi ko alam ang gagawin ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN