Alden Richards and Maine Mendoza have their first live phone conversation

Isang espesyal na regalo ang inihatid nina Alden Richards at Maine Mendoza para sa third monthsary ng kanilang tambalang AlDub. Live na narinig ng mga manonood ang kanilang pag-uusap sa telepono sa Eat Bulaga! kanina.


Ipinagdiriwang ng AlDub Nation ang third monthsary ng tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub ngayong araw, October 16.

Wala pa rin si Maine sa Eat Bulaga! kanina, pero isang espesyal na regalo ang ibinigay nila ni Alden sa kanilang mga tagasuporta at tagasubaybay ng Kalyeserye.

Live na nag-usap sa telepono kanina sina Alden at Maine.

Ito ay pagkatapos patawagin ni Lola Nidora (Wally Bayola) si Maine sa numero ni Allan K, na kasama naman ni Alden sa Broadway studio.

Ilang sandali lang ay nag-ring nga ang telepono ni Allan K at ipinasa ito kay Alden.

Hindi naman ipinagdamot ni Lola Nidora at ng Eat Bulaga! na marinig ng lahat ang boses ni Maine at ang pag-uusap nila ni Alden.

Ito ang naging takbo ng pag-uusap ng dalawa:

Maine: "Hello… Uy, happy monthsary."

Alden: "Kumusta ka?"

Maine: "Eto. Uy, thank you sa pasalubong, ha… nagustuhan ko."

Alden: "You’re welcome."

Marahil ang tinutukoy ni Maine dito ay ang pasalubong sa kanya ni Alden mula sa Japan.

Alden: "Alam mo na ba surprise ni Lola?"

Maine: "Hindi pa, pero excited na ako."

Alden: "Ako din, e."

Maine: "Hoy, puwedeng mag-request?"

Alden: "Anong request?"

Maine: "Isang Dubsmash naman, o. Napanood kita kahapon. Ang galing mo, a!"

Watch: Who did it better: Yaya Dub or Alden?

Pinagbigyan naman ni Alden si Maine sa hiling nitong i-Dubsmash ulit ang Dubsmash ni Yaya Dub noong una silang magkita, via split screen, sa July 16 episode ng Eat Bulaga.

Maine: "Ang cute! Ang cute! Ang cute naman!"

Alden: "Okay yun?"

Maine: "Mmm... Mas magaling ka na sa akin."

Alden: "E, idol kita, e."

At pagkatapos nito ay si Alden naman ang nag-request kay Maine na kumanta.

Nagpaunlak din si Maine at kinanta ang ilang linya mula sa hit song ni Alden na "Wish I May."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At sa bandang gitna ay sinabayan pa ni Alden si Maine sa pagkanta, na lalong ikinakilig ng mga manonood.

Pero biglang naputol ang kanilang pag-uusap nang tila may kumuha ng telepono ni Maine.

Ngunit nagpahabol pa ng mensahe si Alden kay Maine: "I miss you."

Kahit ilang saglit lang, natuwa pa rin ang AlDub Nation na marinig sa unang pagkakataon ang pag-uusap sa telepono nina Alden at Maine.

THE SURPRISE. Maliban sa unang on-air phone conversation nina Alden at Maine, may isa pang sorpresa si Lola Nidora na hindi pa rin niya sinasabi.

Pero nagbigay siya ng ilang clues kung ano ito: may mga letra raw itong A, T, O, at N.

Ito rin daw ang pinakamalaking sorpresa niya na tiyak ikatutuwa ng lahat.

Hula naman nina Senator Tito Sotto, ang sorpresa siguro ni Lola Nidora ay ang "Tamang Panahon."

Pero wala pa ring sinabi si Lola Nidora maliban sa makahulugan niyang ngiti at pag-ikot ng kanyang mga mata.

Ibibigay raw ito ni Lola Nidora dahil napatunayan niya na tapat ang puso ni Alden at hindi sumuko sa lahat ng pagsubok na ipinagawa niya.

THIRD MONTHSARY. Tatlong buwan na nga ang nakalilipas mula nang mabuo ang tambalang AlDub sa hindi inaasahang pagkakataon.

Matatandaang sa July 16 episode ng Eat Bulaga! unang nagkita sina Alden at Yaya Dub, ang masungit na yaya ni Lola Nidora.

Ngunit sa kauna-unahang pagkakataon ay napanood na ngumiti si Yaya Dub nang makita si Alden sa screen.

At dito nagsimula ang itinuturing na ngayong AlDub phenomenon.

Mula sa tumaas na ratings ng Eat Bulaga, araw-araw na pagti-trend ng AlDub hashtags, pag-akyat sa more than 1 million followers nina Alden at Maine sa social media, hanggang sa sunud-sunod na TV commercials.

Ito ay nangyari sa loob lamang ng tatlong buwan, at marami pang inaasahang magagandang pangyayari para kina Alden at Maine sa mga susunod na araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, isang mensahe naman ang ipinarating ni Maine sa mga tagsuporta ni Alden via Twitter para sa kanilang third monthsary:

Happy third monthsary sa atin, AlDub nation! Three months and counting? Yes? Yes! #ALDUBThirdMonthsary

— Maine Mendoza (@mainedcm) October 16, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN