Mayor Rodrigo Duterte dashes hope of solid supporters: "I want to retire. I am tired."

Mayor Rodrigo Duterte on supporters' call for him to run for president: "A little over two years ago, I posted in the government website over the Internet that I was not interested in the Presidency. Nothing has changed. I am comfortable where I am now."


Tinuldukan na ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang espekulasyong plano niyang maghain ng kandidatura sa pagka-pangulo sa huling araw ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) sa Commission on Elections.

Kaugnay ito ng pagiging trending topic ng “#DuterteSerye” sa social media ngayong Biyernes, October 16.

Ilang minuto bago mag-alas singko ng hapon, nag-post si Mayor Duterte ng status sa kanyang official Facebook account, kung saan muli niyang iginiit na wala siyang planong kumandidato bilang presidente sa 2016 elections.

A little over two years ago, I posted in the government website over the Internet that I was not interested in the...

Posted by Rody Duterte on Friday, October 16, 2015

Noong Lunes, October 12, nauna nang humingi ang alkalde ng paumanhin at pang-unawa mula sa kanyang solid supporters na hinihikayat siyang tumakbo para sa pinakamataas na posisyon sa bansa.

Marami kasi sa supporters ni Mayor Duterte ang umasang magbabago ang isip niya.

Lalo na nang maghain ang anak nitong si Atty. Sara Duterte ng certificate of candidacy para sa pagka-alkalde ng Davao City ngayong araw.

Kalakip nito ang isang matalinhagang caption na tila may kaugnayan sa panawagan ng solid supporters ng kanyang ama na kumandidato ang huli bilang pangulo.

Kahapon, October 15, kakatwang naghain din ng kandidatura bilang reelectionist si Mayor Duterte sa Davao City sa pamamagitan ng isang representative.

Sakaling walang pagbabago sa kanilang political plan, posibleng magtapatan ang mag-ama para sa pagka-alkalde sa 2016 elections.

Sa December 10 ang deadline ng Comelec para sa pinal na listahan ng mga lehitimong kandidato sa 2016 elections.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN