Maja Salvador iffy about renewing friendship with ex-BF Gerald Anderson: "Parang ano bang dapat pag-usapan, di ba?"

Maja Salvador is showing exasperation that her past issues with ex-boyfriend Gerald Anderson and friend Kim Chiu keep cropping up. She herself has moved on, "Ang focus ko is yung Ang Probinsyano. May US tour kami ni Echo [Jericho Rosales] tapos etong MAJAsty... mag-move on na tayo."


Hindi na raw kailangang imbitahan pa ni Maja Salvador ang ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson sa nalalapit na major concert niya.

Sabi ng Kapamilya actress, “Ay, hindi ko na siya kailangang imbitahan, bumili siya ng ticket.

“Pero sana bumili siya ng maraming tickets.”

Hindi ba niya sasabihin kay Gerald na bumili ng maraming tickets?

“Siyempre parang hindi ko naman kaya, kaya idinadaan ko sa joke.”

Hindi pa ba sila on speaking terms?

“Uhm, wala kaming… nagbabatian, gaya nung Sunday [sa ASAP] birthday prod ko nung Sunday.

“Bumati siya, ‘Happy birthday.’ Sabi ko, ‘Hey, salamat.’

“Parang nasa awkward stage pa din kami, parang ano bang dapat pag-usapan, di ba?

“Unti-unti lang naman.”

Naimbitahan na rin ba niya ang mga kaibigang sina Sarah Geronimo at Kim Chiu?

Ang common denominator sa tatlo ay si Gerald na naging ex nila.

Sabi ni Maja, “Si Sarah hindi ko pa po nakikita.

“Si Kim nagkita na kami pero hindi pa napag-uusapan.

“Pero kakapalan ko po yung mukha ko, bebentahan ko siya ng ticket, ganun na po ngayon yun.”

Humarap si Maja sa grupo ng press, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), para sa presscon ng kanyang concert sa MOA Arena, ang MAJASTY, na magaganap sa November 13.

MENDING RIFT. Kumusta naman ang friendship nila ni Kim?

Sagot ni Maja, “Okey po kami ni Kim, super okey.

"Pag nagkikita kami, parang walang nangyari.

“Parang malapit na sa kung paano kami dati, pero siyempre hindi.

“Minsan yung mga tingin sa amin ng mga tao, na parang kami lang dalawa ang nagtatawanan.

“Hindi maintindihan kung anong pinagtatawanan naming dalawa… hindi tungkol sa mga tao.”

Dagdag niya, “Yung paunti-unti, sabi ko nga po, unti-unti naming binubuo.

“Tingnan natin, sabi ko nga po may mga bagay na kaming dalawa lang kasi ni Kim ang nakakaalam at nakakaintindi nun.

“Kaya siguro hindi nawala yung friendship, kaya siguro naging madali para sa amin na maging okey uli.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nami-miss ba niyang makasama si Kim sa project?

“Nakakatuwa naman siya kasi parang iba yung pagiging professional ni Kim.

“Siya yung tipo ng artistang gustong matuto nang matuto pa.

“Siya rin yung maraming... kumbaga sa isang eksena, siya yung maraming katanungan.

“Gusto kong maging katrabaho yung ganun na hindi nagmamagaling.

“Yung alam niya na kailangan pa niyang matuto. Kasi ganun ako, e, 'Saan ba ako mahina?'

“Kung ano yung kahinaan ko, tinatanong ko yung director ko, magpapatulong ako.”

FEEL GOOD. Iba raw ang feeling ni Maja ngayong nagkakaayos na sila ni Kim,“Ay, walang makakatalo dun.”

Ayon pa sa kanya, kung anong bigat ang naramdaman niya nung mga panahong hindi sila okey noong 2013, sobrang gaan naman daw ang nararamdaman niya ngayon sa tuwing magkikita sila.

“Siguro kasi ilang taon na kami.

"She’s twenty-five, ako twenty-seven... hindi na kami mga high school.

“Dun ko nga masasabi na, 'Ay, magkaibigan talaga kami na kahit anong mangyari!'

“Naramdaman ko yung concern niya sa akin at naramdaman niya rin yung concern ko sa kanya, parehas kami na makapamilya."

Sa pananaw ni Maja, sa relasyon ng magkaibigan, hindi magiging buo yung samahan o pagkakaibigan kung hindi ito dadaan sa isang matinding pagsubok.

“At kami ni Kim, nalagpasan namin yun.

"Kung hindi man kami, kung paano kami dati.

“Pero happy ako na magka-text kami minsan or pag nagkita kami parang walang nangyari.”

GERALD. Ganun din ba sila ni Gerald, malapit na ba silang maging okey bilang magkaibigan?

Sagot ni Maja, “Opo naman.

"Sabi ko nga, gusto ko siyang maging kaibigan, mabuti yung tao, e.

“Nakikita ko siya kung paano siya maging kaibigan sa mga kaibigan niya.

“So, kung anuman, okey po siya talagang maging kaibigan.

“Sabi ko nga, mabait yung tao, mabait rin ako.

“Pero nandun kami sa stage na parang ang awkward maging friends, kasi ilang buwan na ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero posible bang magsama sila sa isang project?

“Kung kaya ni Ge [Gerald], kasi ako wala naman akong hinihindian 'yan, e. Blessing ‘yan.”

Puwede ba sa kanila ang second chance?

“Hindi po kasi ako ganun, e,” sagot ni Maja.

Pero wala rin daw siyang bitterness towards Gerald.

“Kumbaga, bakit namin ilalagay yung sarili namin sa sitwasyon na pagpipiyestahan kami ng tao?

“Di ba, mukhang ewan kami nun?

"Parang anong ginagawa mo sa sarili mo, di ba?"

DREAM COME TRUE. Muli ring naghayag si Maja ng kanyang saloobin nang matanggap niya ang offer na mag-concert na malaking venue.

Saad niya, “Naiyak ako, pinangarap ko ito, e, ito ang gusto kong gawin.

“Saka bihira ang may magtiwala or may mag-produce sa iyo, di ba?

“Sobrang hirap na may magpu-produce at pagkatiwalaan.

“So, nung dumating yung araw na yun, parang January pa lang yun, talagang naiyak talaga ako.

“Kasama ko pa yung ex ko nung in-announce,” na ang tinutukoy niya ay si Gerald.

Hindi ba niya naisip na isama si Gerald sa show dahil kasama niya ito nang ialok sa kanya ang concert?

Sabi ni Maja, “Siyempre magiging issue kasi 'yan, e, ayoko namang… mag-move on na tayo.

“Huwag na tayo dun sa isyu ng breakup.

“Happy ako kung su-support siya talaga or bibili siya talaga ng maraming tickets, magiging masaya ako.

“Nai-share ko naman sa kanya dati kung ano yung mga dreams ko.

“Super happy din siya sa akin dati nung in-announce nga na may concert.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN