Robin Padilla defends Mayor Rodrigo Duterte’s decision not to run for president

Naniniwala si Robin Padilla na hindi pa handa ang mga Pilipino sa "rebolusyong" isinusulong ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.


Ipinagtanggol ng aktor na si Robin Padilla si Davao City Mayor Rodrigo Duterte kaugnay ng desisyon nitong huwag kumandidato bilang presidente sa 2016 elections.

Marami kasi ang nag-abang kung magpa-file si Duterte ng kanyang kandidatura sa huling araw ng filing ng Certificate of Candidacy (COC) ngayong Biyernes, October 16.

Subalit natapos ang araw na hindi nagsumite ng COC si Duterte, na ikinalungkot at ikinadismaya naman ng kanyang mga tagasuporta.

Read: Mayor Rodrigo Duterte dashes hope of solid supporters: "I want to retire. I am tired."

Ani Robin, naniniwala siyang hindi pa handa ang mga Pilipino sa “rebolusyong” isinusulong ng Davao City mayor.

Dagdag pa ng action star, ang problema ay ang mga taong itinutulak si Duterte na tumakbo na hindi talaga siya kilala.

Isa si Robin sa mga kilalang personalidad na nagsulong upang tumakbo sa pagkapangulo si Duterte.

Makikita ito sa mga post ni Robin sa social media ilang buwan na ang nakalilipas.

We are Ready

A photo posted by robin padilla (@robinhoodpadilla) onMar 28, 2015 at 3:02am PDT

Sa kanyang pinakahuling Facebook at Instagram post ngayong gabi, nag-status si Robin at ipinaliwanag ang naging desisyon ni Duterte.

Naka-address din ang nasabing mensahe sa ABS-CBN anchor na si Karen Davila.

Marahil ay tugon ito ni Robin sa post niya kahapon, kung saan ipinost niya ang larawan ni Duterte kalakip ang quote mula kay Karen na may mga katagang “The man who could have been President.”

Ang mga tunay na rebolusyonaryo ay hindi mapipilit sa mga bagay na alam niyang MALI,at tunay na mahihirapan na makilahok...

Posted by Robin Padilla on Thursday, October 15, 2015

Ayon sa status ni Robin na naka-address kay sa ABS-CBN news anchor, “Ma’am @iamkarendavila, Mayor Duterte/El Cid has no problem with being president if he wants, the truth and the problem is the People who are pushing him to run, obviously they do not know him, not even an IDEA of the drastic change he is talking about.....

“We cannot achieve change because of anarchy, we have tried that and again and again .....

“Mayor Duterte believes in the Revolution and the Filipino people are not ready.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What is revolutionary government?When the existing government is overthrown by a completely new group. The new group...

Posted by Robin Padilla on Friday, October 16, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN