Ella Cruz recounts rehearsal accident: "Sobrang natakot talaga ako."

Ella Cruz on her stunt accident: "Sobrang sakit nung likod ko. Pagbaba nila sa akin, natakot na ako, umiiyak na ako."


Malaki ang pasasalamat ni Ella Cruz na walang masamang nangyari sa kanya matapos maaksidente sa dance rehearsal para sa grand finals ng “Clash of Celebrities” sa It’s Showtime noong nakaraang Miyerkules, October 7.

“Okay lang naman. After ng accident, wala namang bone fracture.

“Masakit lang talaga yung likod ko dahil siguro nabugbog siya, so hindi masyadong gumagalaw,” pahayag ni Ella.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ella sa PEPtalk shoot noong Miyerkules, October 14.

Bago ang insidente ay nakausap ng PEP si Ella sa contract signing para sa kanyang pagsali bilang bagong talent ng Viva Artists Agency.

Dito ay nagpakitang-gilas pa ang 19-year-old actress sa pamamagitan ng pagsayaw ng version niya ng “Twerk It Like Miley.”

Read: Ella Cruz leaves Star Magic; transfers to Viva Artists Agency

Ayon kay Ella, pagkatapos ng contract signing ay dumiretso siya sa ABS-CBN compound para sa dance rehearsal ng It’s Showtime.

Limang beses pa raw niyang nagawa nang tama ang isang kumplikadong stunt na naging sanhi ng kanyang aksidente.

Kuwento ni Ella, “Nung last try namin, sasaluhin nila ako nang padapa.

“Pagkasalo nila sa akin, nasalo nila yung upper body ko, pero yung lower body ko umitsa siya.

“So, nag-bend, nag-super bend yung likod ko.

“Imadyinin mo naka-stop na yung upper body ko pero sumobra [sa pagbaliktad] yung upper body ko.”

Bunsod nito, nagpasya si Ella na huwag nang tumuloy sa grand finals ng “Clash of Celebrities,” na ginanap tatlong araw pagkatapos ng insidente.

Kaya naman marami sa supporters ni Ella ang nanghinayang dahil sa paniniwalang isa siya sa mga kalahok na magpapatindi sana ng labanan sa nabanggit na talent showdown.

Read: Ella figures in stunt mishap: "Akala ko po yun na ang katapusan ko or katapusan ng career ko."

Paliwanag ng young actress, “Sobrang sakit nung likod ko.

"Pagbaba nila sa akin, natakot na ako, umiiyak na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, spinal cord yun, e, isang mali lang sa spinal cord mo, damay na yung buong katawan mo.

“Sabi ng medic, ‘Nararamdaman mo ‘to?’ ‘Nararamdaman ko po.’ ‘O, sige, safe ka.’

“So, sabi ko, ‘Thank you Lord dahil hindi natuluyan.’

"Sobrang natakot talaga ako. Iba yung na-trauma ako."

Paano hinaharap ni Ella ang matinding kumpetisyon sa showbiz? Ano ang estado ng relasyon nila ni Bret Jackson?

Alamin ang kasagutan sa PEPtalk episode ni Ella, na mapapanood sa PEP simula sa Miyerkules, October 21.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN