Pastillas Girl chooses Chard Parajinog as Mr. Pastillas

Pastillas Girl to Mr. Pastillas: "Gusto kong magpasalamat dahil hindi lang ako ang napangiti mo, pati ang madlang people ay napangiti mo dahil sa ganda ng boses mo."


Nakapili na rin ni Angelica Jane Yap, a.k.a. Pastillas Girl, ng kanyang Mr. Pastillas pagkatapos ng mahigit isang buwan ng paghahanap.

Pinili ng 21-year-old na dalaga si Richard "Chard" Parajinog kaysa kina Topher Labao at Michael Enriquez, ngayong araw, October 17, sa ''Nasaan Ka Mr. Pastillas?'' segment ng It's Showtime na ginanap sa Hoops Dome, Lapu-Lapu City, Cebu.

Si Chard na nagmula sa Ozamiz City, Misamis Occidental ay ipinakilala kay Angelica sa It's Showtime noong September 23.

Ani Chard, "Never pa ako nagkaroon ng relationship na seryoso.

"Tapos nakita ko siya sa video, para bang type na type ko yung personality niya."

Matatandaang tinilian din ng mga manonood ng It's Showtime ang 23-year-old na binata pagkatapos niyang kantahin ang "Ngiti" ng Parokya ni Edgar para haranahin si Angelica.


MESSAGE FOR MR. PASTILLAS. Bago sabihin ni Angelica ang kanyang desisyon kung sino ang kanyang napiling Mr. Pastillas, nagbigay muna siya ng mensahe sa kanyang manliligaw.

Sabi niya kay Chard, “Gusto kong magpasalamat dahil hindi lang ako ang napangiti mo, pati ang madlang people ay napangiti mo dahil sa ganda ng boses mo.

"Alam kong mahiyain kang tao pero hindi iyon naging hadlang para mapakita mo kung sino ka. Maraming salamat sa iyo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN