Mark Herras stops courting Winwyn Marquez

Mark Herras explains why he stopped courting Winwyn Marquez: “Hindi naman ako bata na parang medyo sabik magkaroon ng relationship. Kung darating yung panahon mo for love, kahit sino pa, kahit gaano pa katagal 'yan, di ba?”


Tila sumuko na ang kauna-unahang StarStruck Ultimate Male Survivor na si Mark Herras sa kanyang panliligaw kay Winwyn Marquez.

Noon pa nabalita ang panliligaw ni Mark sa anak nina Joey Marquez at Alma Moreno.

Hindi naman ipinagkaila noon ni Winwyn na naging very close sila ni Mark noong magkatrabaho sila noon sa Party Pilipinas at Sunday All Stars.

Pero nagpahayag na noon si Winwyn na ayaw niyang ligawan siya ni Mark dahil baka raw magulo lang ang friendship nila.

Pero hindi iyon nakapagpatigil kay Mark na ipagpatuloy ang panunuyo niya kay Winwyn.

Hanggang sa pakiusapan siya ulit ni Winwyn na itigil na ang panliligaw dahil wala maibibigay na panahon ang dalaga dahil magiging abala siya sa pagtulong sa pagkampanya ng kanyang ina na tatakbo bilang senador sa 2016.

Tutulong din daw si Winwyn sa kanyang mga kuya na sina Jeremy Marquez, na tatakbong vice mayor, at Vandolph Quizon na tatakbo namang konsehal sa Parañaque City.

Tanggap naman daw ni Mark na hindi pa tamang panahon na magkatuluyan sila ni Winwyn.

Sabi niya sa panayam ng 24 Oras, “Hindi naman ako bata na parang medyo sabik magkaroon ng relationship.

“Kung darating yung panahon mo for love, kahit sino pa, kahit gaano pa katagal 'yan, di ba?”

Nag-mature na raw si Mark sa kanyang pakikipagrelasyon. Marunong na siyang maghintay at gusto niya ay pangmatagalan nang relasyon.

RECALLS PAST SHOWBIZ RELATIONSHIPS. Inamin ni Mark noon sa kanyang interview sa programang Powerhouse na parang nangolekta siya ng girlfriends.

“Siguro mga 10-13 ang naging girlfriend ko na puro showbiz.

“Walang non-showbiz.

“Yung iba, six months lang,” banggit pa niya.

Pero may mga nagtagal naman daw na relasyon si Mark, tulad ng kina Jennylyn Mercado at Ynna Asistio na kapwa tumagal ng limang taon.

Pinakamasakit daw ay ang pakikipaghiwalay niya kay Ynna.

Pagbabalik-tanaw ni Mark, “It was a painful breakup. Sobra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagka-baby ako and hindi ko masabi sa kanya at sa family niya nang harap-harapan na magkakaroon ako ng anak.

“That's why nagpatulong ako kay Nanay Lolit [Solis, his manager].

“Sabi ko, 'Nay, interview mo ako sa Startalk. Aamin ako na may anak na ako at magsu-sorry ako kay Ynna at sa family niya.'

“Ganoong kasakit. Hindi ko magawang aminin sa kanya nang harap-harapan.

“Ganun ko siya minahal, and the family itself. Parang ang bigat-bigat.”

BLESSED WITH TV PROJECTS. Ngayon ay inuulan na ng suwerte si Mark sa kanyang showbiz career dahil sa tatlong teleseryeng ginagawa niya sa Kapuso network.

Una ay ang pang-umagang teleserye na Dangwa, kunsaan isa siya sa leading men ni Janine Gutierrez.

Pangalawa ay ang pang-primetime naman na Little Nanay kunsaan kasama sa cast si Ms. Nora Aunor.

Pangatlo ay ang kanyang guest role sa panghapong teleserye na Wish I May na pagbibidahan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Nagpapasalamat si Mark dahil sunud-sunod ang mga biyaya na dumarating at ang kanyang source of luck ay ang kanyang anak na si Ada.

Pagmamalaki niya, “Si Ada, hindi ko siya na-take as problema o pagkakamali.

“Kasi siya ang biggest blessing sa buhay ko.

“Natuto akong magtino at maging responsible.

“Noon kasi, na-enjoy ko ang showbiz, siyempre money at fame. Masyado akong magastos.

“Na-realize ko nung pumasok si Ada at marami na akong kailangang ayusin for her future, sabi ko, 'Okay, tatay na ako.'”

Dagdag pa ni Mark na kung magkaroon siya ng girlfriend, kailangan ay tanggapin din nito ang kanyang anak.

“Package deal na kami.

“Kung may niligawan ako, kung sakaling tanggapin nila ako, dapat tanggap din nila si Ada.

“Pag di nila tanggap si Ada, hindi puwede. Dapat tanggap nila nang buung-buo yung anak ko.”

Pinaka-excited daw si Mark sa teleseryeng Little Nanay dahil unang pagkakataon niyang makilala nang personal at makatrabaho ang Superstar na si Nora Aunor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa set, feeling ko marami siyang ibibigay sa amin, lalo na pag...

"Siyempre medyo nangangapa pa rin ako, nahihiya rin akong lumapit basta-basta, di ba?

“First time ko rin siyang nakita personally, so siyempre na-starstruck ako!” natatawang pag-amin ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN